Tanong ko lang po kung pwedeng gamitin sa court ang chat conversation ng asawa ako at ng babae niya. yung chat log is from his laptop na di niya alam na kinopya ko yung files kasi nilagyan niya ng password. pwede nya rin ba akon kasuhan ng invasion of privacy, me ganon po ba dito sa Pinas between husband and wife. Isa pa RN ang asawa ko, CPA yung mistress niya, pwede ko rin ba silang paalisan ng lisensya na gamit yung chat lang? Yung chat na nakita ko are logs na nacrecreate ng yahoo. me mga extra characters sya pero pag inalis mo mabubuo mo yung conversations nila. kahet naman sabihin nilang imbento ko yun, maraming details at information about sa babae like kung san sya nakatira, name ng relatives niya, name ng asawa nya (yes me asawa din yung mistress), at meron pa don na madalas na nagpupunta sa condo niya yung asawa ko kasi yung asawa ng babae nasa province.kelangan ko pa ba ng pic nila or any other proofs? kasi hindi ko naman kilala yung mistress pero ngayon marami na akong alam tungkol sa kanya.