May kaibigan po kami ng nanghiram sa aming mag-asawa ng pera.
Nung unang humiram sya ng pera sa amin na PhP100,000 pesos eh nabayaran naman nya at nagbigay ng interest. Second time na humiram uli ng the same amount eh nabayaran din nya with interest. Third time na nanghiram sa amin amounting to USD 8,000 eh pinahiram namin pero may kasulatan at pina-notarized namin. Medyo natagalan bago nya mabayaran yung utang na yun pero nagbigay naman po ng interest. Last August 2011, humiram po uli sya ng PhP400,000. Dahil tiwala kami sa kanya eh pinahiram naman namin. Pinapirma uli namin sya pero di na namin napa-notaryo. Nakasaad sa sulat na babayaran kami October 2011. Panay follow up namin at nung nakaraang May 2012 nakapagbigay sya ng PhP100,000. Nakapagbayad uli sya ng another PhP100,000 nung June 2012. Pero pagkatapos nun eh di na nya nabayaran yung balance na PhP200,000 pesos. Dati pag tinatawagan at text namin eh sinasagot pero mahigit isang buwan na di sinasagot ang text at tawag namin. Bagamat labag sana sa kalooban namin na idemanda sya eh wala kaming choice kasi kailangan din namin yung pera at medyo gipit din kami ngayon. Isa syang contractor dati pero nagkaproblema sya sa pondo kaya naintindihan naman namin gipit sya. pero lagi kasi sya nangangako na pag naibenta mga equipment nila eh babayaran kami. puro pangako hanggang sa walang nangyayari. Pwede ba namin gamitin yung pinirmahan nyang kasulatan sa utang para kasuhan sya? Payag naman kami na bayaran kami installment basta mabayaran lang nya yung balance na PhP200,000. dahil sa kanya kami naman ngayon ang nagigipit.Gusto lang namin kasi maalarma man lang sya at makipagusap sa amin ng maayos kung kelan nya babayaran utang. pero kung di na sya nakikipag-usap eh pano pa naman po gagawin namin?