Hihingi po sana ako ng advise tungkol sa aking sitwasyon, at sa totoong buhay din pala talaga nangyayari, kala ko sa telenovela lang.
Anyway, ngayun po ay sinisingil ako sa utang na matagal ng nabayaran. 10 years ago na po yung utang na yun, 10% sya at usapan lang namin nun ay 3 months. At natupad naman po iyun.
Ngayun binabalikan ako after 10 years, may resibo sya na nagremit mula abroad at ako naman ay wala nang maipakitang resibo na naibangko ko sa account nya. Maalala ko na sa sms phone lang po ang usapan namin dati. Wala na rin ang sim ko, wala na din ang resibo obviously after 10 years.
Kahit na anong paalala ko pa sa kanya na kung lalabisin ko ay halos araw araw syang nangungumusta dati sa utang namin, at ng nabayaran na ay narinig ko na lang ng boses nya after 10 years. Na ipaalala ko pa sa kanya na pinambili ng computer para sa malapit nyang kamag-anak pero pilit pa rin sinisingil at gusto nyang makita daw ang resibo ko.
Paadvise lang po kung anong tamang gagawin. Im planning na hamunin ko sya na magdemanda, pero I can't see any chance na makapagpakita ako ng evidence ko. Di ko na rin matandaan kung anong acct name, hindi po sa sarili nyang bank acct.
Pls paadvise lang po. Maraming salamat.
Confused