Hanggang sa dumating po at nakilala ko ang isang babae na nagkaroon ng malaking concern sa akin bilang isang tunay na kaibigan. Sya po ang aking 'shoulder to cry on', ang karamay ko po sa lahat ng burden ko sa aking asawa at nagpabalik ng lahat ng nawala sa akin bilang isang tao at lalake. Hindi po namin sinasadya pero dumating po yun oras na nahulog ang loob namin sa isa't isa. Alam po naming mali at sinubukan po namin iwasan mhalin ang isa't isa. Nangibang bansa po sya para iwasan ako at kalimutan pero sadya nga po atang mahirap kalabanin ang puso, I give-up my career sa Pilipinas at sinundan ko po sya. Now, we're living together at ang malaking problema ay nagsimula. I wrote a letter to my wife telling her na gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya. From that, marami na po ako nareceive na messages sa kanya, hanggang sa nagkaroon po sya ng idea at hinala na I have another woman. Nagresearch po sya kung saan at kung kanino hanggang sa may nakapagsabi po sa kanya tungkol sa kinakasama ko ngayon. Marami na pong mga pagmamakaawa, pagbabanta, pagmamakaawa, pagbabanta syang sinasabi, ippadeport daw po nya ako, kakasuhan ng patong-patong na demanda.. Sa ngayon, maspinipili ko na lang po na manahimik na lang at wag ng makipagcommunicate sa kanya na malaking tinututulan naman po ng kinakasama ko. Pinipilit nya akong kausapin ang asawa ko ng masinsinan, once and for all. Sa ngaun po, sa mother ko lang po ako nakikipagcommunicate. Sya po ang nagsasabi sa akin ng mga sinasabi ng asawa ko against me at sinabi daw po sa kanya minsan na kaya daw po naghahabol sa akin dahil po sa mga benefits na pwede nya makuha mula sa mga insurances ko.
Gusto ko na pong kalimutan ang naging experience ko sa aking marriage, wala na din po akong maramdaman na pagmamahal sa asawa ko. Gusto ko din po sana sya na tanggalin as my benefeciary, posible po ba yun? Ano po ba ang maii-advice nyo? Sana po matulungan nyo ako.
Marami pong salamat and more power!