Good day po! Married po ako 2004 sa aking legal husband. nagkahiwalay po kmi 2007 - 2010. Nagkaron cya ng live in partner pero wl clang naging anak. Nagkaron naman po ako ng live in partner din and nagkaanak kmi nung 2008. Around Feb 2010 muli kami nagkaron ng communication ng legal husband ko, nagkikita na din kami, nagtetext at napagksunduan nmin mgkabalikan. Talga pong gus2 ko ng humiwalay sa live-in partner ko dhil ako lng po ngtatrbho at bumubuhay smin, adik, at maniac pa. Kaya pinilit ko pa na pg di cya bumalik sa Amerika pra mgtrbho ay hihiwalayn ko tlga cya. June 2010 bumalik cya ng Amerika. At nalaman ko na din na buntis ako ng 2 mos. At alam ko din po na hindi sa ka-live in ko ung bata pero ang alam nya ay knya. Nung nasa US na po cya nagpapadla cya pero nkapgdesisyon na din ako na mkipgbalikan sa aking asawa. Nung ipinanganak ko ung aking bunso ay ipinangalan po ito sa live-in partner ko parehas ng anak ko ay sa knya nka apelyido. Tanggap po ng asawa ko ang nangyari at gus2 nmin malagay sa apelyido nya ung mga bata. Hindi na po nagpapadala ung tatay ng mga bata. Mag 3 mos. na hindi nagpapadala. Hindi ko po hahabulin ung sustento ang gus2 ko lng po ay malipat sa apelyido ng asawa ko ang mga anak ko pra hindi cla mgkaron ng problem sa school at di na mgkaron ng confusion sa mga bata bakit iba apelyido nila sa amin. Pleas advise po. Thanks!