Hi Atty., Nais ko lang po mag inquire kung ano po kaso ang isasampa ko sa supplier ko na nag delay sa akin ng mga pinacustomize ko na item? May sarili akong kumpanya (SME) at nakakuha ng isang kliyente na nagpagawa ng isang item design for 300 pcs. May kausap akong subcon na gumagawa at ibinigay ko sa kanya ang trabaho. Nag issue ako ng purchase order at nagbigay ng 50% ng contract price (P30,000.00)sa subcon na ito. Pinirmahan nya ang PO at tinangap sa voucher yong halagang DP ngunit hindi sya nag issue ng official receipt. Sa PO naka indicate po yong requested delivery date and she agreed that she can make the customized item. Itong item na ito ay gagamitin sa isang event at dumating yong time na kailangan na naming ideliver. Itong subcon na ito, nakalimutan daw nya yong PO ko kaya nadelay yong pagawa nya. Para po matapos yong trabaho at maihabol sa 3days event, kumuha po ako ng isang gagawa na pwede sumalo kahit sa 100 pcs. on the 2nd day of event nakumpleto yong item na dapat kong ideliver. Ang point of delivery ay Metro Manila, since inabot na kami sa time ng event, kinailangan ko po na dalhin sa venue ng event which is in Cebu. Wala na po ako magawa kundi ang magmakaawa dito sa subcon ko na pilitin matapos ang item para kahit ako na personal na magdala niyon sa Cebu. Ginastusan ko po lahat, airfare, hotel, cagoes fee para lang po magawa ko yong obligation ko sa kliyente ko. Nag suffer po ako ng sobra sobrang stress, emotions dahil pinagalitan ako sa delay ng delivery ko sa lobby ng 5star hotel. YOng time na iniwan ko mga anak ko na walang kasama matanda at yong mga meetings and projects ko sa ibang kliyente hindi ko nagawa dahil sa pag aayos ko sa halos hindi nagawa ng subcon. Ano po ba ang pwede ko ikaso sa sub con ko dahil sa dinanas kong anxiety na halos hindi na ako natutulog sa pag iisip at paghahanap ng paraan para ma meet ko yong delivery sa client? Binantaan kasi ako ng kliyente na idedemanda nila ako.... Sana po matulungan nyo ako mabawi yong mga nagastos ko dito, yon moral and exemplary damages>