Hingi lang po ako ng advice.
May utang po kasi ang mama ko sa tindahan na umuupa sa commercial space namin. May sabi sabi po na plano po pautangin ng pautangin nung mayari ng tindahan ang mama ko kasi may plano po itong maisanla sakanya ang bahay namin (na nakapangalan sa aking papa na deceased na) kapag hindi na nakabayad ang mama ko. Sa totoo lang po ay matigas ang ulo ng mama ko at hindi nya ito makita.
Maaari po bang sa akin na lamang ipangalan ang bahay o kahit kanino sa mga kapatid ko upang hindi po ito pwedeng hilain sa oras na hindi na po makabayad ang mama ko?
Ang alam ko po kasi ay hindi maaring habulin ang mga anak sa utang ng magulang.
Please help po.
Salamat and God bless!
Last edited by baby.mirian on Fri Oct 19, 2012 10:55 am; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong word)