Nasaksak po ang aking kapatid last Saturday(10/13) around 3AM ng isang waiter sa convenient store. Nagkaroon po ng di pagkaunawaan sa loob ng store kaya pag labas ng kapatid ko ay hinabol nito at sinaksak pati bugbog ng iba pang kabarkada ng waiter na naka tambay sa labas ng store.
Nahuli po ang suspect at nakulong pero nitong lunes ay pinalaya daw dahil sa pagbayad ng bail. Ang tanong ko po ay ganito:
1) Pwede po bang makalaya ang suspect sa pamamagitan ng pyansa (bail) gayung di pa nakapag file ng formal complainst ang victim?
2) Di po ba ang bail ay set ng prosecutor after mapag aralan ang pwedeng ikaso pati ang arrest report ng mga police?
3) Hindi po makapag-file ng complaint ang sister ko dahil kailangan daw muna ng medico legal report. Eh hindi eto naiprovide agad ng concerned authorities until Tuesday (10/16). Kailangan po ba talaga ang medico legal para mag file ng complainst?
4) Pasok po ba sa frustrated murder ang kaso ng kapatid ko? Magkano po ang possible bail?
Please help us because we are not familiar with these case. We are also planning to consult PAO.