Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Process in filing criminal charges - murder case

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

tonyny


Arresto Menor

Good day.

wala po akong kaalam alam sa kung ano ba ang process mula sa oras na minurder ang kapamilya mo hanggang sa pagkikita sa hearing.

Isa sa aking kapamilya ay pinatay gamit ang isang baril ngunit hindi kami pinapirma ng blotter man lang sa opisina ng pulisya. Hindi ko na po babanggitin ang lugar pero base sa nalaman ko talamak pala duon ang droga at tapunan o gawaan talaga ng pagpatay. Napag-alamanan ko din na sa lugar na yun ang mga pulis at piskalya ay mas takot sa tao. So baliktad.

Ang kapatid ko po ay karumaldumal na pinatay. Sa presinto walang pinapirma na police blotter. Ni spot report nga po ay wala din. Iniwan naman namin mga numero namin pero walang feedback mula sa pulisya. Sabi inautopsy pero walang binigay na copy. Binigay sa amin ang cellphone na nagagamit pa noon ng nasa presinto mismo tapos inabot na sira na at ang SIM ay may kaskas.

Sumusubok kami magfile ng charges pero ang bukang bibig mula pulisya hanggang piskalya ay "walang testigo, walang demanda." Kami pa ang tinatakot. Para tuloy tayong namumuhay sa panahon ng barbaric era na walang justice o pati pulis ay walang silbi pero nagbabayad namin kami ng tamang taxes.

Nahihirapan kami dahil hindi naman kami prominenteng pamilya. Isang kahig isang tuka lang parehas ng karamihan na kung walang trabaho walang makakain.

Ngayon na kami na nga ang naagrabyado kami na ang lumikas pati ang pagsasampa ng reklamo ay nakapakahirap. Wala namang kakayahan na magbayad ng abogado at hindi na rin ata uso ang pro-bono sa Pinas lahat dapat de bayad.

Ano po ba ang sequential process? Kami ba ang dapat magsampa di ba ang murer is a major offense sa saligang batas na kung saan dapat ang state prosecutor ang namamahala? Bakit kami pa ang sinabihan na walang testigo walang demanda? Bakit pinakukuha kami ng sariling abogado? Saan ba makakakuha ng murang abogado o pro-bono? Pwede bang makipagnegotiate sa mga criminal lawyers sa kung ano ang kakayahan ng kanilang potential na client?

Salamat po at sa oras na sinusulat ko ito wala pa rin kaming concrete na kaalaman tungkol sa ano ba talaga ang nangyari, papaano nangyari at bakit pinatay ng karumal dumal kapatid ko. Mas nalaman pa namin sa isang tabloid kesa ang pulis sabihan kami.

Gumagalang.

attyLLL


moderator

criminal cases are not only about money or influence, what is more important is evidence. help the police by trying to look for possible witnesses.

without evidence, no case will prosper

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum