Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Scrapping Scam

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Scrapping Scam Empty Scrapping Scam Mon Oct 15, 2012 7:09 pm

AJohn O.


Arresto Menor

Sana po ay matulungan ninyo kami sa nangyari sa amin magbabarkada. Kami ay naloko ng isang scammer.

Ilalahad ko po sa inyo ang nangyari sa amin, ito ay salaysay galing sa aking barkada na ngrecruit sa amin at maski siya ay naloko rin.

Feb 2010 – Nag-invest ako(Gio Nepomuceno) ng P4,000 kay Roselyn Arceleta(dati kong Boss sa Hitachi) sa diumano ay scrapping business ng tito nya. Kikita kasi ang investment mo ng minimum ng 5% per month. Pagkatapos ng 8 buwan, lumago naman yung investment ko at naging P60,000 na.

Dec 2010 - Binigyan ako ni Roselyn Arceleta ng minimum investment amount na P300,000. Sinabi nya sa akin na tatanggalin nya ako sa scrapping business nya kapag hindi umabot sa P300,000 yung investment ko. Noong panahong iyon ay wala akong pera para mapunuan ko yung P300,000.

Jan 2011 – Sa kagustuhan kong huwag matanggal sa Scrapping Business at dahil na rin sa tuloy-tuloy naman akong kumikita, kinausap ko ang mga dating kasamahan ko sa trabaho, ilang kaibigan at kapamilya na mag-invest sa scrapping business ni Roselyn Arceleta ng sa gayon ay umabot ang pera sa P300,000 minimum investment. Umabot sa kabuuang P500,000 ang naging investment namin.

Feb 2011 – Aug 2011 – Tuloy tuloy naman na nagbibigay si Roselyn Arceleta ng kita namin sa scrapping business nya. Umabot pa nga ng hanggang 15% ang kinikita namin sa isang buwan. Dahil doon lalong nahikayat ang ilan sa mga kasamahan ko na mag-invest pa ng pera. Umabot sa kabuuang P800,000 ang naging investment namin.

Sept 2011 – Pinatawag ni Roselyn Arceleta ang lahat ng miyembro ng Scrapping Business sa Hitachi Global Storage Technologies(Kompayang pinagta-trabahuan namin) at sinabi nya na wala na yung pera naming lahat. May nabanggit siyang nagngangalang Edgar Tito. Itong tao daw na ito ang salarin sa pagkuha ng pera namin. Ang kataka-kataka lang ay ayaw niyang magbigay ng kahit anong impormasyon kay Edgar Tito.

Oct 2011 – Pinatawan sya ng kompanya ng termination dahil sa paglabag sa ilang rules & regulations ng kompanya na may kinalaman din sa scrapping business nya.

Nov 2011 – Hindi na nagpapakita si Roselyn Arceleta kahit sa pamilya nya. Yung tatay na lang niya ang lagi kong nakakausap kapag pumupunta ako sa bahay nila. Ayon sa tatay nya, hindi rin daw niya alam kung nasan na si Roselyn Arceleta. Ayon pa kay Mr. Arceleta nasa Makati City Prosecutor’s Office na daw yung kaso. Ang ibang impormasyon ni Roselyn Arceleta ay maikikita sa website na ito

Sana at matulungan nu kami.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum