Ganito po kase, tinerminate ang husband ko dahil sa cargo na nawawala, cargo agent siya...
kaya lang i believed illegal dismissal ang nangyari. why?
1. May NTE siya na natanggap, pero within 24 hours lang dapat mag-explain. Sinagot naman ng hubby ko.
2. after 1 month pinagreresign na siya ng agency niya, kase daw iteterminate na siya nung client ng agency na kumuha sa kanya, i advised him not to resign, kase walang nangyaring actual hearing.
3. tapos bigla na lang siya ayaw papasukin sa trabaho, humingi kami supporting documents kung bakit siya pinagreresign at notice of termination, pero hindi sila magbigay, at ayaw din nila i-received yung letter request namin for documents.
4. after, 3 days na ayaw siyang tanggapin sa trabaho saka lang ibinigay yung memo nung agency entitled "notice of clients termination.", nakalagay dun na winithdraw na yung service niya nung client dahil daw sa LOSS of CONFIDENCE. pina-received ko sa kanya yung memo pero nakalagay "RECEIVED WITH PENDING PROTEST".
5. ngayong vineverify namin kung may matatanggap siyang termination pay dahil immediate yung termination sa kanya, pero sabi nung agency kailangan daw niya magresign sa agency para makuha yun.
i believed na too harsh ang punishment for him, kase yung nawawalang cargo na hindi naman niya pagkakamali nung nawala e nakita rin naman niya at ibinalik din agad, plus hindi naman nagreklamo yung airlines na may hawak dun sa cargo. I think dapat suspension lang. Kaso nga termination ang ipinataw.
we filed illegal dismissal sa NLRC as per advise na rin ng 3 abugado na friend namin, kaso syempre sisingil din sila ng acceptance fee kapag sila ang humawak ng kaso kaya hindi ako makalapit lapit. may ini-refer naman ang boss ko sa akin na abogado, ang problema diskumpyado ako dun sa abogado na ni refer kase sa dami ng hawak niyang kaso, hindi na niya kami maasikaso ng maayos.
baka naman po may maibibigay kayo na papayag sa set up na naiisip namin, wala naman kase kaming pera sa ngayon although nasa Broadcast media ako.
and any advise po for my hubby's situation? the first hearing at NLRC will start on Nov. 14 and on the 28th. hoping for your reply. thank you