Mabagal ang takbo ng aking nobyo nang mula sa likod niya ay sumalpok ang isang tricycle. Sa bilis ng tricycle ay naitulak o nakaladkad sa harap ng tricycle ang motor ng aking nobyo habang nakasakay siya rito.
Ang pasahero ng tricycle ay nasugatan ng bahagya sa ulo at ang nobyo ko naman ay nagtamo ng mga sugat sa paang naipit sa motor.
Pagdating sa traffic sector ay pinagawa kami ng sinumpaang salaysay.
Ang pasahero ay nahihilo daw kaya gusto nyang magpunta ng ospital ngunit gusto niya ay wala siyang gastusin. Sinabi namin na sa tricycle driver siya manghingi dahil siya ay pasahero nito at labas kami doon dahil magpapagamot din kami. Naawa pa rin kami at nag abot ng kaunting halaga dahil ayaw pa nilang pumunta ng ospital. Hindi muna gumawa ng police report ang imbestigador dahil dapat daw hintayin ang resulta ng lagay ng pasahero. Nang makarating na ang pasahero ay kinausap niya ang enforcer na umaasikaso samin at gumawa siya ng kasulatan na impound muna ang mga sasakyan hanggang hindi pa maayos ang lagay niya.ang resulta ng xray ay makukuha sa loob ng 3 araw at gusto niya raw ay maghati ang nobyo ko at driver sa gastusin. Pinapirma ang nobyo ko at driver sa kasulatang ito.
Nang mapag-isip-isip namin ay hindi pala kami dapat pumirma dahil wala kaming kasalanan at biktima rin kami ngunit kami ang nagbayad sa sarili naming medical expenses.
Ayaw magbayad ng damages sa motor ang tricycle driver.
Ano po ang maipapayo ninyo sa amin?
Maraming salamat po.