Hihingi lang po sana ako ng tulog tungkol sa negosyo namin.
Kami po ay first time nag negosyo at nangupahan ng pwesto sa Las Pinas.
Ang sabi po sa amin ng may-ari ng inuupahan naming pwesto ay 2 months deposit at 1 month advance, at magagamit lamang ang 2 months deposit kung naka 6 months kami sa pwesto. Alam po niyang first time po namin at humihingi kami ng tulong sa kanya na kung pwedeng bawasan ang halagang Php 8,500.00 dahil hindi po namin ito kaya. Ngunit hindi po siya nagbaba at nangutang na lang po ako ng pambayad na Php 25,500.00 upang pambayad sa 1 month advance at 2 months deposit.
Sabi po niya ay makakabawi kami agad dun sa pwesto nya dahil malapit ito sa eswelahan at ospital. Ginawa na po namin lahat ngunit luging lugi po kami at wala po talgang naipong pambayad sa pwesto nya.
Plano po sana naming kausapin na lamang na gamitin na ang 2 months deposit pero may kontrata po at ayaw po nyang pumayag. Pwede po bang ma-void ung contrata dahil wala na po talaga kaming kita at lugi na kami sa pwesto niya.
Noong umupa po kasi kami, na-pressure po kami na pumayag dahil minadali po niya kami at may kukuha na pong iba kung hindi daw po kami makapag decide agad. Ang hindi po namin alam, yun din po pala ang sinabi niya sa ibang umuupa sa kanya.
Marami salamat po.