ako po ay nagrent ng 91sqm. stall sa makati para gawing restaurant. bago ako pumirma ng contract of lease, the building admin insured me na everything is ok like papers like occupancy permit etc. pati yung pwesto. after 2 months of operation po, nalaman ko nalang na wala pala sila occupancy permit para dun sa pwesto ko. at ilang beses na ako na deny sa munisipyo.
maliban po dun, ang problem ko pa po ay yung pwesto ko ay ilang beses na may nagleleak na madumi at masangsang na tubig galing sa ceiling ( may nakapwesto kasi dati sa taas na bar ) ilang beses ko na din nireklamo at sinabi nila na ginawa naman nila pero paulit ulit ang problem. ang worry ko po ay yung mga customers ko ay nagrereklamo na sa baho ng place namin dahil nga dun sa tulo sa ceiling.
gusto ko na po sana ipa terminate ang contract ko at ayaw ko na hintayin na isa sa mga customers namin ang matuluan ng leak sa ceiling due to negligence ng maintenance. baka po kasi mademanda pa ako.
ang tanong ko po is kung pwede ko ba mapa terminate ang contract sa mga nasabing dahilan? pag hindi po pumayag ang nagpapa lease, ano magandang hakbang na gawin ko.
Sana po matulungan niyo ako. maraming salamat at more power po sa inyo. God Bless!
Patristress -