Good day, would like to seek a legal advice regarding oral defamation at work.
I was deployed by my agency in a particular company with a designation as A/R. Instead po pag report ko sa company, I was assigned as cashier. I accepted the work post po, until such time na maisip ko na mahirap pala sa cashier kasi andaming perang hinahawakan kasi it includes ung petty cash, fund for advances and collection. Due to my request na transfer po ako sa AR, last August 24. Until last week po nadiscover ng GL na may nawawalang pera amounting to 100k plus ang check na collection ng August 10. Sa akin po pinpoint automatically ang fault na kinuha ko daw at kung pwede magsalita ako na without proper investigation. Upon checking po ang nagcashier po ng August 10 ay ang previous na cashier na pinalitan ko since absent ako. Sinabihan po ako na ground for termination yun kasi negligence ko daw. The next day, di na ako pumasok due to depression na pinagbintangan ako. Pumunta po ako agency ko at nag explain ng side ko. I am innocent po kaya sinama ko mother ko to testify, I was suspended po daw ng one month pero sinabi ko na di na ako babalik sa work ko. Di lang po ako ang iniikutan ng pera pag nagkakaha po ako, dapat po every end of the day may collection report and deposit slip na na prepare for deposit the next banking day na pinapatago sa vault ng finance head. Ano po ba ang laban ko kasi kakasuhan daw ako ng company at ano pwede ko ilaban sa kanila sa pag pinpoint sa akin without probable cause po. Natatakot po kasi ako na masira pangalan ko at magkarecord, baka di ako makahanap ng trabaho. Wala po akong ninanakaw, disente po akong tao.
Need your legal advice para maclear ang pangalan ko.Hope to hear from you. Best regards.