goodafternoon po. meron pong lumabas na warrant of arrest para sa parents ko nagtaka po kami bakit umabot sa ganun di po kami nakareceive ng unang subpoena even in barangay wala pong hearing na naganap. nung mabasa po namin ang nilalaman inakusahan po ang parents ko ng grave oral defamation. pumunta po ang parents ko sa prosecutor to clarify things at doon po nalaman ng parents ko na gumawa po ng kwento ang kaaway namin at naging dahilan ng pagkasampa ng grave oral defamation sa magulang ko. ang nagtataka po kami bakit hindi nakarating sa amin ang unang subpoena at nahantong sa warrant of arrest. posible po kaya na may naghold ng subpoena sa post office para po di namin mareceive? kung sakaling ganun nga po ano po ang pwede namin gawin o ikaso sa taong nagpahold nito? at pano po namin mapapatunayan na di totoo ang mga salaysay nila kung wala kaming witness at mismo ang witness nila ay ang dati namin trabahador na ngayon ay may galit sa amin dahil sa pagkakatanggal nya sa amin sa salang pagnanakaw? nakapagbayad na po kami ng bail para po di ikulong ang magulang ko. ano na po ang mga pwede namin susunod na hakbang? pakisagot po please para po medyo mabawasan ang pagkabahala ko.
Free Legal Advice Philippines