Meron po property na binebenta worth 1.8M for 210 sqm House and lot. Ang nauna po naming usapan e magdadown ako ng 100K para sa pagaasikaso ng pagpapalipat ng title sa pangalan ko para ipasok sa bangko as a loan. (at ung 100K e ibabalik nya pag nagrelease n ang tseke galing sa bangko)
Nung magusap po ulet kami, sinabi ko na wala akong 100K na maibibigay at 75K lang ang kaya ko. SInabi ko n lang po sa kanya na hindi po ako makakaproduce ng ganong kalaking halaga. Matatgalan pa kung sakali. Sinabi ko na din na nakakahiya nmn na antayin ako n makakuha ng 100K, e d kung may dumating na buyer ibigay n lang. Nung huli pumayag n sya na 75K n lang ang ibigay ko, at tutulungan na lang nya po ako para madagdagan ung pera pagaasikaso ng title.
Ngaun po naiba na ung usapan nmin. Ipinipilit nya po na dapat daw po 30% ng 1.8M na ibigay ko sa kanya kasi un dw po dpt ayon s attorney nya, pero ngaun magbigay n lang dw po ako ng 150K para maayos n ung title. Sinabi ko po sa kanya na wala po ako pera na ganon, at sinabi ko na kung naiba na po usapan namin e kukunin ko n lang po ung 75K ko. Sinabi po nya na wala na daw po ako makukuha kasi gumastos n dw po sya (bayad dun s pagpapasukat, unang bayad nya s ahente (5K), mga papeles, at kung anuano pa. May dapat pa po ba ako makuha mula s naidown ko? Wala nmn po ako kasi malaking halaga para lang maicash ko n ung bayad. Maraming salamat po.