Ganito po ang sitwasyon:
May nabili po kaming lupa’t bahay sa likod lang mismo ng aming bahay. Ang bahay at lupa na iyon ay dead end na po. May binigay lang po sa kanila na right of way. Gusto ng bawiin ng nagbigay ng right of way ang maliit na daanan kasi may daanan naman daw po kami sa harap ng aming bahay. May laban po ba kami dito?
Ito po ang sample Lot Plan:
History:
Year 2000 nang mabili namin ang Lot A. Lot B ang nagbenta sa amin ng lupa. Ibinenta sa amin ang higit sa kalahati ng kanilang lupa. Isang buong lupain naman ang Lot C, Lot D at Lot E. wala pa po itong bakod at right of way kasi isa lang ang may-ari at nakatayo ang kanilang bahay sa mismong Lot D. Makalipas ang ilang taon, naibenta sa amin ang Lot B at Lot C. Makalipas ulit ang ilang taon, naibenta sa iba ang Lot E. Binigyan lang cla ng “right of way” dahil nasa looban na po ang kanilang bahay.Makalipas ang ilang buwan, ibinenta naman sa amin ang Lot D. Nalaman ito ng Lot E at gusto na daw bawiin ang binigay nilang right of way dun sa Lot D sa dahilang meron naman daw kaming daanan sa harap ng aming bahay. May karapatan po ba kami sa right of way na iyon? Sino po ang mas may karapatan sa kapirasong lupa na iyon?
Gusto ko lang po linawin na “Rights” lang po kaming lahat dito sa aming lugar.Wala pa pong titulo dito.
Maraming salamat po sa mga taong gustong tumugon sa aming problema..