Bumili kami ng RFO unit sa Cavite and bayad na po yung downpayment namin. Sabi ng developer upon loan release daw e bigyan namin sila ng 30 days para maprocess yung paglipat namin. Nakapagpasa naman ako ng mga requirements. 2 months yung lumipas wala akong update na natanggap, kaya nagdecide kaming mag follow up sa office nila. Dun ko lang nalaman na may problem pala sa sukat ng lote sa contract and dun sa actual kaya daw di naprocess yung papel namin. 77 ang nasa pinirmahan ko pero sa titulo pala e 76 lang. wala man lang kumontak sa akin na ganun pala ang problem at wala akong kamalay malay na di nila inaasikaso yung papel namin. gusto ko na lang mag back out pero natatakot po ako na baka yung na bayad namin para sa downpayment na pera e wala ng matira. ano po ba ang law tungkol dito? patulong naman po para alam ko po yung action na gagawin ko.