isa po akong empleyado ng gobyerno., noong july 18-19, 2012 ay pinasok po ang aming opisina at tinangay ang aming laptop.
kahit na maraming gamit dun sa loob ay iyon lamang ang kinuha ng magnanakaw.
bale, sinira po ang gilid ng air-con at duon dumaan.
pag-aari po ng opisina ang laptop kaya't may mga dumating na pulis para mag-imbistiga.
maka-lipas po ang isang buwan ay naglabas po ng resolution ang legal ng aming kumpanya at pinababayaran po sa akin ng buo ang laptop dahil daw po sa aking kapabayaan.
may nagsabi sa akin na gumawa daw ako ng apela.
ngunit iniisip ko kung ako lang ang gagawa baka balewalain lang nila.
paano po ba ito?
ilang beses na rin po ako pumunta sa police department para humingi ng police report pero hindi po ginagawa ng imbestigador.
ano po ba ang mga karapatan ko?
malaki po ang halaga ng laptop (P32,000.00)
at wala po akong kakayanan para bayaran po ito.
maraming salamat sana ay matulungan niyo ako.