Hi! I just recently resigned my job because I was traumatized by a scam I got involved in, ang akala kong kaibigan ko na nagsabi na ung kaibigan daw niya supplier ng apple phones dito sa atin. Me mga loans akong binabayaran sa tao na nagpapautang - sangla atm ang collateral. walang contract na pinirmahan basta me atm ka and hindi rin registered yung lending business nila. malaki laki po ang nahiram kong pera kaya nga po on the side nag ttry akong mag sideline. nung una po, kelangan daw bayaran ung customs para marelease yung mga units, so nagbigay po ako ng pera, expecting na kinabukasan makukuha ko na ung mga units para madeliver sa kaibigan kong me stall sa greenhills. kinaumagahan po, nagsabi sila na kelangan na naman ng pera kasi for paperworks daw po dahil ang apple mahigpit, knowing na tottoo naman pong mahigpit sa paperworks ang apple nagbigay po ako ng pera na nakalaan talaga sa mga loans ko. kinabukasan po, nanghingi na naman ng pera although nagtataka na po ako, naging desperate na lang po ako na makuha ung units para makuha ko na rin po ung perang nilabas ko. fast forward po, almost a month na wala pa rin po ung units tapos di pa rin nasosoli ung pera na nalabas ko. ngaun po, naparesign ako sa trabaho, wala po akong means magbayad sa loans ko na umabot na po sa Php 266k, aside po sa napahiram ako sa kaibigan ko ng 65k and 48k sa isa pa para po mabayaran ung ibang loans ko. ngaun po nagkapatong patong na po lahat. di naman po ako nadedelay, simula lang po nung nadale ako nung scam sa apple. ang worry ko po baka sa kakapilit nilang bayaran ko sila, mag file sila ng estafa case sa akin dahil sa laki ng amount. in constant touch naman po ako, nagsasabi naman po ako na magbabayad ako nga lang wala po akong kakayahan sa ngaun dahil naghahanap pako ng work. ano po sa tingin nio ang dapat kong gawin kasi po nagtthreat ung nagpapalending na i-hohold daw po ung sweldo ng ibang ni-refer ng kaibigan ko pag hindi daw ako nakapag bayad sa katapusan. ayoko na po sana daanin sa mga legal matters kasi willing naman ako magbayad, humihingi lang po ako ng time na makabawi ako sa nangyari and makahanap ng trabaho.