Magandang hapon po. Hihingi po sana ako ng advice tungkol sa lupang nabili ng magulang ko. Nakabili po ng subastatong lupa ang tatay ko noong 1986.Ang lupang ito po ay hindi titulado. Noong 1992, umalis ang tatay ko at hindi na nakabalik hangan ngayon. Simula ng umalis siya, na abandon namin ang lupang nabili nya. At natirahan n ng kung sino sino. Taong 2010 ng naisipan naming dalawin ang lupaing nabangit at ganito ang naging sitwasyon.
1.Inaangkin ng mga tumira at ibang kamag-anak ng dating may-ari ang lupang nabangit. Ang dating may-ari ay patay na.
2.Nasa amin ang Declaration ng lupa ngunit nakapangalan pa sa dating nagmamay-ari ang lupa hangan ngayon.
3.Nawawala ang Deed of Sale namin at maging sa Munisipyo ay nawawala ang kopya.
Ano po ba ang magandang hakbang para maayos namin ang problemang ito. Sayang naman kasi ang lupa at ang tax na ibinabayad namin dito. Nawa ay natulungan nyo kami.
Maraming Salamat.