Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child support / VAWC

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1child support / VAWC Empty child support / VAWC Wed Sep 05, 2012 2:30 pm

twinkle19


Arresto Menor

gud pm atty. ako po ay hiwalay na sa aking asawa ng 2 years na. Meron po kaming 3 anak - 1 grade5 at 2 HS students. Mula pa noon ay lagi nya akong pinagmumura, pinapahiya sa mga kapitbahay at sinasaktan. Hindi na ako lumapit sa brgy noon upang magsumbong dahil umasa akong baka magbago pa sya at nais kong maisalba ang pamilya namin. Noong nagkahiwlay na kami, patuloy pa rin syang pinagmumura kami kapag humihingi kami ng sustento tuwing sweldo nya. At never po sya nag text o tumawag man lang sa mga anak nya upang mangamusta man lang. Kaya dumulog po ako sa CHR upang magkaroon ng settlement tungkol sa regular na pagsusustento nya sa mga anak nya dahil puro kasiungalingan po ang mga sinasabi nya sa akin at sa mga anak nya. na kesyo wala daw sya work, nagrsign etc. Kinonfirm ko sa HRD nila at di po totoo ang mga pinagsasabi nya sa amin. Meron po kasi kaming napagkasunduan na sa mediation namin sa CHR na magbibigay sya ng 3K every payday bilang sustento nya sa mga anak namin. Sabi po kasi nya 12K lang ang kanyang sahod. At nag iiyak sya dun sa harap ng mediator na kesyo mahihirapan daw sya bunuin yung hinihingi kong amount. So naawa naman po ako. kaya 6K a month lang ang hiningi ko. Na sobrang kulang pa po sa mga pangangailangan ng mga anak ko. Ako na po ang sumagot sa tuition fee, libro, unform, projects ng mga anak ko. Nakita ko po sa payslip nya (na inemail nya sa CHR) na may mga OT pa po sya at nagneneto ng 4800 - 5600 every payday. Gusto ko pong malaman kung pwede po ba akong magrequest thru a lawyer na humingi ng additional amount sa sustento nya dahil kulang na kulang po pinapadala nya. Kapag nagdedeposit po sya ng sustento, hindi man lang po nya tanungin kung kasya ba o kulang ang pinapadala nya. Dun lang po natatapos ang obligasyon nya. Nung minsan pong nagtxt and anak ko at humingi ng dagdag na pera, nakaya po nyang makapagpadala ng 4K instead of yung usual na amount na 3K. Naisip ko po na kaya naman pala ng budget nya. Broker Sales Coordinator po ang asawa ko. Entitled rin po ba kami na hatian nya sa 13th month pay, OT at commissions nya? Ilang percent po ba usually ang napupunta sa mga legal na anak bilang sustento nya? Sad Sad Nais ko rin pong sampahan sya ng kaso na Emotional violence at Verbal abuses. Pwede po bang magsabay yung 2 kaso na yun? Gusto ko pong pagbayaran nya lahat ng mga pagpapahirap nya sa akin at sa mga anak ko. Tulungan nyo po ako atty. I feel so helpless and hopeless na po. Please enlighten me on this matter. Thank you po

2child support / VAWC Empty Re: child support / VAWC Wed Sep 12, 2012 11:23 pm

lampatotowife

lampatotowife
Arresto Menor

twinkle19,
Sumulat ka muna ng demand letter ipadala mo thru registered mail.Tapos pumunta ka sa DSWD.Sabihinmo problema mo.Then sa PNP Womens desk.Ipunin mo ang mga evidence mo gaya ng marriage contract at birth certificates ng mga anak mo.Affidavit ng mga tao na nakakakita na verbally abused ang ginawa sa yo...Mga evidences na RA9262 nga ang isasampa mo.Pero advice ko sa yo Failure to give child support and mas bigyan mo ng diin,ECONOMIC ABUSE sa yo.Mas mapapatunayan mo ito.Then if desidido ka makukulong nga lang ang ex mo.Kasi kapag emotional violence mahirap patunayan.May psychiatric report pa etc etc.Get a good lawyer kailangan mo yan.At tumawag ka at manghingi ng advice kahit sa GABRIELA...o kaya isumbong mo kay Tulfo...nasa sa yo yun.Kasi kapag legal mong kakasuhan yung ex mo magkakarecord siya at masisira life niya kasi makukulong.Anyway nasa sa iyo yan anong diskarte mo.Advice lang ito.Helpless ka at hopeless,no need yan,kaya mo yan.May batas tayo Family code,Child and Youth Welfare code at RA7610.Nandiyan din ang PAO Kapag nademanda na ang ex husband mo makikiusap pa yun about settlement.Nasa sa yo kung desidido ka...Pray ka muna bago mo gawin ang lahat at kausapin mo ang mga bata malay mo maaayos din ang lahat... Wink

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum