Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo.
Ako po ay isang FX Driver na may asawa at tatlong anak na nasa taong 16,14 at 10.
Ako po ay nagkaroon ng anak sa labas na nasa 7 taong gulang na. Ang nanay nito ay nakilala at naging service ko sa aking pagbiyahe. Masasabi ko pong hindi ako nagkulang dahil ako ang gumastos sa hospital etc. Pinili ko pong hiwalayan na ito at magbigay ng support lamang sa bata. Noong una, nagbibigay ako ng P300/day. Hanggang sa nagdemand na itong nanay na dagdagan dahil may sakit daw ang bata, kelangan daw ng gamot, etc etc. Umaabot sa 500-800/day ang binibigay ko. Sa loob ng 7 taon, hindi po ako nagkulang sa pagbibigay dahil ang nanay ay inaabangan ako sa terminal ng fx.
Ako ngayon ay biglang namulat dahil hindi naman niya pinapakita ang bata sa akin. Tinatanong ko kung saan sila nakatira at hindi niya sinasabi, ayaw nya din sabihin kung saang hospital.
Para lang sa inyong kaalaman Sir, itong babae na ito ay maraming niloko na tao. Siya ay dating nagpanggap na "agency" na tutulungan kang mag-abroad. Magaling siya magsalita, mambola, in short ay manloloko. Marami siyang pinagkaka-utangan, at minsay ako din ay ninakawan niya. Huli na nung nakita ko ang totoong kulay niya kaya ko na siya hiniwalayan.
Ngayon Sir , eto po ang aking concern.
1. Gusto ko po makita ang bata sana dahil baka ho ipinamigay na niya o pinaampon na niya ito.
2. Gusto ko po malaman kung tunay bang may sakit siya.
3. Gusto ko po malamam kung magkano lang po ba dapat ang aking ibigay dahil naghihirap po ako ngayon dahil ang aking anak ay magkokolehiyo na
4. Gusto ko po malaman kung pwde babaan ang suporta sa abot lamang ng aking makakaya.
Masyado pong matapang ang babae na ito at pinagtatangkaan ang buhay ng aking anak kapag hindi ko susundin ang 500/day na support.
Humihingi po ako ng tulong at gusto ko pong magsampa ng kaso. Malapit na ho kasi ibenta ang FX ng amo ko at ako'y naghahanap pa lamang ng bagong trabaho. Nagagalit siya at hindi daw pwdeng bumaba ang suporta ko sa kanya.
Maraming salamat.
Last edited by kamao on Wed Sep 05, 2012 5:23 am; edited 1 time in total