Nag umpisa ang lahat noong nagnenegosyo kami sa Pilipinas yung una maganda naman ang takbo ng negosyo. pero sa katagalan ay d maiiwasan na mgkaproblema at biglang tumumal ang negosyo namin, at napilitan na mangutang ako sa isang lending company sa halagang 80thousand, pero tumagal ang panahon nararamdaman ko na nalulugi pa din ako dahil sa laki ng interest sa lending, dun lng napupunta ang kinikita ako at sa araw araw na gastusin. inisip ko na bka dumating ang panahon na bka ma bankrupt ako at hindi ko na mababayaran ang loan ko. Kaya naisipan ko nalang mag abroad. Kasalukuyan ay nasa Ibang bansa na po ako pero nag hahanap pa lang ng trabaho dito. hanggang sa isang araw nangungulit yung inutangan ko lending na idedemanda daw nila ako dahil hindi na nga ako makapagbayad, ang natitira ko nalang na utang ay 65 thousand. meron ako na issue na cheke sa kanila pero tumalbog na dahil pina close account ko na noon bago ako umalis. Sinasabi ng lending company na kaksuhan nila ako at binantaan ako na sa airport pa lang ay ipapahuli nila ako kapag Bumalik daw ako sa pilipinas. ang masama pa pati ang mga magulang ko ang pinipilit na sinisingil na nasa pilipinas. pinakiusapan ko naman na kapag magkakatrabaho ako ay magpapadala naman ako ng pambayad ko.
Hihingi sana ako ng Legal advice:
-May grounds po ba talaga sila na ipapa-hold nila ako sa Airport dahil sa Utang ko at sa bounced check ko, kahit 65thousand nalang ang utang ko?
-papanu kung makipag areglo ako, kung magmatigas sila na ipapadakip nila ako, o kahit na magbabayad naman ako. Anu po ang maipapayo ninyo sa akin na gagawin ko? dahil wala pa naman ako trabaho sa ngayun, at sa mga magulang ko na pinipilit nilang singilin dahil sa utang ko, anu po dapat ninyo ipayo sa akin at sasabihin ko sa mg amagulang ko po?
Asahan ko po na mababasa ninyo agad ang aking Problema.
Maraming salamat po sa tulong ninyo!