Kumuha kami ng condo last 2008, then July 2012 nakatanggap kami ng Notice of Turnover. Ininspect namin yung condo, nagulat kami na dun sa utility room eh andun yung isang foundation post ng condo building. Walang sinabing ganun nung selling time, upon reviewing the signed unit layout eh may blocked mark. Pero just the same, hindi rin siya in-explain na foundation yun.
Sumulat kami sa management ng condo, requesting na ilipat kami ng unit (same building or other condo property ng developer). Kahapon, sumagot sila na hindi puwede kasi sumunod naman sila sa contract/layout.
Ang gusto namin eh i-refund na lang yung binayad namin. Kung sakaling hindi pumayag yung developer na ibigay yung refund lalo na't nasunod naman yung turnover period and layout, ano ang pede naming gawin para makuha iyon?
I know we are at fault for being ignorant and newbie sa pagbili ng property, pero the sales has been misleading. Kung sinabi o napaliwanag na magkakaroon ng poste sa room eh hindi namin kukuhain iyon.
Please help advise, really appreciate it.