Ganito po ang aming problema:
Namatay po ang aming kapatid na panganay noong buwan ng Mayo 2007at may isa po silang anak na babae(15 taon gulang na po sya ngaun). Pero makalipas ang 4 na buwan, nag-asawa muli ang aming bayaw kanasal po sila. Sa ngayon po ay nais ng aming bayaw na ibenta ang lupa at bahay na kanilang tinitirhan. Nalulungkot po ang aming pamangkin dahil ang ari-arian nila ay sya na lamang ala-ala ng kanyang namatay na ina kaya't ayaw po nya itong maibenta.
Bilang kapatid ng ina ng bata, meron po ba kaming karapatan na pigilan ang aming bayaw na ibenta ang kanilang lupa at bahay alang-alang sa aming pamangkin para mapawi ang kanyang lungkot at pag-iisip sa kanyang inang namatay?
Nais rin po naming ipaalam na walang perang nai-ambag ang aming bayaw sa pagkakabili nila sa kanilang bahay at lupa, bagkus, pera lang ng aming kapatid ang pinambili ng kanilang ari-arian(dating OFW ang ate nmin). Sa ganitong kalagayan, kami rin po ay nalulungkot kung mawawala ang ala-ala ng kanyang namatay na ina.
Isa pa pong problema,bka mapunta lang sa bago nyang asawa (ama) ang pinagpaguran ng kanyang ina,at wla ng matira pra sa future ng bata. Ano po ba ang dapat naming gawin (alang ala sa aming paming pamangkin)
May karapatan po ba ang bata na ung ibang bahagi ng naipundar ng ina ay mailagay na pangalan na nya.
Maraming salamat po, sana ay mabigyan nyo ng kasagutan ang aming prolema.
Lubos na Gumagalang,
lovelywifeko