Gusto ko po sana humingi ng payo sa website na ito.
Kme pong mag asawa ay umampon ng pangatlong anak ng kapatid ko last June. Ipinanganak po ang bata last May 31 at sinabi sa amin ng nanay ko na kme na dw po ang magasikaso ng birth certification ng bata at ipangalan na ito sa amin. ang ina na bata ang akin kapatid, hindi pa sila kasal ng ama ng bata at nahihirapan syang sustentuhan ang iba pa niang anak kaya pinaampon na lang sa amin ang bata.
Paulit ulit namen tinanong sa kanya noon na kung ibibigay nia ba tlga yan at may time pa nga dati na isasauli na namin pero sinabi nia na san daw nia dadalhin ang bata wala nga daw sya sapat na panggastos.
Ngayon po ay nagtetext sa akin ang aking kapatid at humihingi ng pera, nang hindi ko siya binigyan ay nagtext sya sa akin at pinapa compute lahat ng nagastos namen sa bata at babayaran daw ng ama nito pero sigurado naman ako na wala itong ipangbabayad dahil gipit nga sila.
Ano po ang ang pwede ko ikaso sa ganito dahil bina-black mail nila ko pag di ko sila binibigyan ng pera ay gusto nila kunin ang bata.
Ang Birth Certificate ng bata ay napakapangalan na sa amin maaring kasuhan ng simulation of birth certification kahit na nagkaron kme ng internal agreement sa amin pamilya dati na sa amin na ang bata pero ano ba ang counter suit dun lalo na ngayon na ginigipit ako ng aking kapatid at emotionally attached na kme sa bata.
Sana po ay maibigay nio kung ano anong kaso ang pwede ko ibigay laban sa kapatid ko para pag nakahanap kme ng lawyer ay ito ang isasampa ko, kung sakaling darating kme sa ganitong punto.
Sana po ay may makatulong
salamat.