Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Yaya resignation need help

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Yaya resignation need help Empty Yaya resignation need help Wed Aug 15, 2012 5:45 pm

tatalodia


Arresto Menor

Dear Sir,
Una sa lahat salamat po sa inyo na nagbibigay ng libreng advice sa mga taong nangangilangan at walang pera kagaya ko.
Ako po ay 37 yrs old na namamasukan as yaya.
Ibigay ko muna po sa inyo ang background.Tapos po ako ng caregiver. Naka kita po ako ng isang agency sa makati hindi ko na po banggitin ang pangalan. Ako po ay tumawag sa kanila sabi nila punta ako agad sa kanila at dalhin ko na mga gamit ko. Pag dating ko doon sa kanila wala pa palang bakante kaya naka pag stay pa ako ng dalawang araw sa kanila. Noong nalaman ko na mayroon na, gusto ko pong umatras kasi natatakot ako dahil sa tondo po ito. Then nagagalit sila dahil dapat kung ayaw ko daw ng trabaho babayaran ko daw yong dalawang araw na pag stay ko sa kanila. Ngayon dahil wala po akong pambayad napilitan nalang po ako na pirmahan yong contract. Nakalagay doon na 4K ang sueldo bawas ng 800 sa unang buwan na para doon sa agency. Which is ok lang sa akin dahil wala po akong magawa ito po ang usapan. Pero after 1 week nagkasakit po ako ng UTI at hirap po akong magtrabaho. Bilang isang yaya lagi ko pong karga karga ang bata at ang edad nya ay 1 yr and 10 months na medyo mabigat narin po at maliban doon sa pagiging yaya ginagawa ko pa ang mga gawaing bahay. yaw po sana akong bilhan ng gamot pero noong tinakot ko na lalayasan ko sila bumili din po.
Ang nakalagay po sa contrata ay yaya lang po ang trabaho ko. Pero dito all around narin po ang work ko. Nag umpisa po ako sa kanila ng July 4. Then after 2 weeks July 16 sinabi ko po sa employeer ko na aalis na ako at dapat kukuha na sila ng kapalit sa akin dahil nahirapan ako.

Ngayon tanong ko po. May kaparatan ba silang pigilan ako na aalis hanggat wala pa akong kapalit? Ngayon ay August 15 na pero ang agency may pinalit na nga sa kanila pero hindi nila tinanggap. Una, ang binigay noong August 8 ay elementary graduate po at hindi po ito tinanggap ng employeer ko. Pangalawang replacement 42 yrs old at hindi rin nila tinanggap. May ipapalit na nga rin sana 27 yrs old yong agency noong agust 13 pero yong amo ko naman ang wala sa bahay at walang ibang mag receive kundi siya lang daw. Kahit nandoon naman yong mother nya pero pinipilit ng nanay nya na yong anak lang nya mismo ang puede mag receive ng kapalit. Ang contrata ko po at 6 months sa agency. Pero doon sa nakasulat sa no. 13 sa contrata ko ito po ang naka sabi:

13. That the worker wishes to be replace, he/she shall inform the EMPLOYER the matter. The employer then notifies the agency so that the replacement will be provided within 15 days from the date of notification. not with standing the foregoing, however the worker terminate this contract if he/she reasonable grounds to believe that his/her continued stay with the EMPLOYER may detrimental to his/her safety or physical well being.

Sa intindi ko po sa naka sulat sa taas kailangan ko lang sabihin sa amo ko na aalis ako. Ngayon sinabi ko po yan sa amo ko na aalis ako noong July 2nd week at tinawagan po nila ang agency para sa replacement noong july 16 po. Nag agree po yong EMPLOYER ko na aalis na ako dahil nga nag ok naman sila sa akin at tinawagan naman nila ang agency para sa request ng replacement. Ngayon medyo magulo kasi dahil may ipapalit na nga ang agency yong amo ko naman ay mag pa cancell ng kapalit dahil wala siya sa bahay at hindi ko alam kung kailan siya babalik. Wala po siya sa bahay 3 days na. Kung nandyan naman siya sa bahay tinatawagan nya ang agency pero yong agency naman daw ang walang available na replacement. Medyo naguluhan lang po ako kasi maaaring pinaglaruan lang nila ako. Kasi pag tatawagan naman yong agency maayos naman mag sabi na may ipapalit sila pero yong amo ko lang ang langing wala sa bahay at pangatlo na itong nagpa cancell ng replacment na yaya ang AMO ko.

Ano po ba ang puede nyong maitulong sa akin dahil gusto ko na aalis dito pero gusto ko sa mabuting paraan. Kung tutuusin kaya ko silang layasan sa bahay anytime pero ayaw ko rin po ng gulo at complikado na paraan. Hindi naman po ako sinasaktan ng amo ko pero lagi syang nag mumura at minsan kahit hindi ako ang kaaway niya ako ay madadamay pa sa pagmumura nya sa bahay. HIndi po ako sanay ng ganitong lifestyle na may mag mumura palagi sa bahay. Kahit kunting mali mumurahin agad ako. Ayaw ko rin po ito isumbong ang pag mumura ng amo ko sa agency kasi natatakot ako baka mamaya hindi pa tuloy ako bigyan ng kapalit eh hindi na tuloy ako maka alis sa bahay na ito.

Please advice me nalang po kasi sinabi ko na po sa EMPLOYER ko na walang problema po na babayran ko ang 700 para sa cancellation ng contract ko. At sa katunayan nag magandang loob pa akong mag share ng 400 doon sa 800 na babayaran ng EMPLOYER ko para sa replacement pay. Naintindihan ko po sila dahil kasalanan ko po ito dahil pumirma ako sa contrata na pagiging yaya pero wala naman pong nakasabing hindi ako allowed na mag resign. Sa katunayan nakasulat po doon sa no. 13 ng contrata ko na maliwanag po ang puede akong aalis.
Ito na po ang tanong ko.

1. Ano po ba ang dapat kong gawin dahil more than 1 month na akong nag sabi sa EMPLOYER ko at alam ko tinawag narin yan ng EMPLOYER ko sa agency noong july 16 ang replacement. Pero hanggang ngayon wala parin dahil kasalan ng amo ko dahil inuuna pa nya yong mga lakad nya kaysa aasikasuhin itong mag babantay ng anak niya. May replacement na nga dapat at kung tutuusin nandoon naman yong nanay nya na puede naman sana mag received para doon sa replacement.

2. Humingi po ako ng tulong sa kapatid ko para lang matawagan yong agency dahil wala kaming landline sa bahay at yong kapatid ko lang ang mayroon. Tinatawagan nya rin yong AMO ko pero minumura siya at sabi pa nya sa kapatid ko mga bastos daw kami dahil hindi kami puede maka paghintay.
Ang tanong ko po hanggang kailan po ako puede maghintay. Sa txt po niya sa kapatid ko wala daw pakialam ang kapatid ko kung kailan siya uuwi at kahit next year pa daw siya uuwi wala daw pakialam kapatid ko. AMO ko daw siya kaya wala paki alam kapatid ko. Itong lahat na pagmumura at pambabastos ng EMPLOYER ko hindi po ito sinagot at hindi pinatulan ng kapatid ko. Dahil nalaman ng kapatid ko na 20 yrs old lang itong amo ko at walang pinag aralan. 17 yrs old pa lang na buntis na kaya sabi ng kapatid ko kasalan ko daw dahil una pa lang bakit pumayag ako ng trabahong yaya at tapos naman daw ako sa pagiging caregiver. OO po tama po siya pero naipit rin naman po ako ng agency dahil wala naman po akong pambayad sa 2 days na stay ko sa kanila. At ayaw ko rin abalahinkapatid ko kaya hindi ko rin sya tinawagan para hihingi ng pambayad sa agency. HIndi naman po sana ako tutuloy pero nagkamali lang talaga ako dahil naipit nalang ako dahil wala akong perang pambayad sa stay ko sa agency.

Itong pangalawang tanong ko po. 2. Puede ko po bang dalhin sa barangay ang problema na ito para ma solve siya at mabigyan ng araw yong EMPLOYER ko kung kailan siya mag commit ng replacement kasi sa tingin ko dahil lang sa EMPLOYER kaya natagalan itong replacement kaya hindi rin sila magka tugma ng agency. Dahil pag may available yong agency na yaya, yong AMO ko naman ang hindi puede, kung puede ang agency ipapa cancel naman ng amo ko yong replacement dahil yong amo ko naman ang hindi puede dahil may lakad.
Pls advice po at maraming salamat sa tulong at kaalaman na ibabahagi mo.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum