Good Day. Ako po si Jessa Rona Si , Gusto ko lang pong idulog ang problema ko tungkol sa aking birth certificate. Ipinanganak po ako noong August 28, 1986, sa Calvario Meycauayan, Bulacan, pero yung ipinasa po ng kumadrona na nagpaanak sa akin ay iba po ang apelyido, HONRALES po ang nakalagay imbes na SI na apelyido ng aking biological father. Pati yung fathers name ay iba rin po dahil ibinase po sa unang asawa ng mother ko. Noong 1992 nagfile ng late registered na birth certificate ang parents ko sa angeles city pampamga. Doon po sa Birth certificate na yon ay SI ang aking apelyido at ang fathers name ay ang aking biologocal father. Yung birthplace ay ginawang Angeles City. Naifile po nila iyon sa NSO sa Quezon City. At simula po noon yun na ang gamit kong mga informations simula school , sa work sa mga ID's. Pero nitong nakaraan lang noong kumuha po ako ng Birth certificate ung original po ang lumabas, tinanong ko po yung taga NSO kung makukuha ko po ung late registered pero ang sabi po nila ay hindi daw po pwede kaylangan daw po muna na ipa-cancel ung original bago pa lang lalabas ung late na birth certificate. Hihingi po sana ako ng tulong na legal para po ay mapalitan po ung fathers name and surname ko sa original birth certificate or kung maaari ay maipa-cancel na lang po ung original BC para hindi po ako mahirapan. kaylangan daw po kasi na ipa abogado. Alam ko po na medyo magastos, kaso hindi ko po kayang tustusan dahil ako po ang bread winner ng pamilya at kaylangan ko po ang birth certificate para makakuha ng passport. Sana po ay matulungan nyo po ako sa aking problema.