Ikinasal kami ng asawa ko year 2004, sa munisipyo ng baguio city, isang judge ang nagkasal sa amin, but after one year inabandona nya kami ng anak namin, sumama sa ibang babae, at nalaman ko nalang po na ikinasal din po pala sya dun sa babae nya. alam ko pong pwede ko syang kasuhan ng bigamy, pero nagsawalang kibo nalang po ako. 7 years na ang nakalipas, wala na akong balita sa kanya, at ayoko naman pong maghabol, gusto ko na po sanang ibalik ang dati kong apelyido nung dalaga pa ako, pero syempre kelangan annulment muna, ang di ko lang po masiguro ay kung sino po kaya sa amin ng babae nya ang una nyang pinakasalan, which is dinadalangin ko ngayon na sana ako yung pangalawa nalang, ng sa ganun invalid pala kasal namin. Panu din ako makakakuha ng cenomar kung ang bday nya sa birth certificate nya ay iba sa marriage contract namin? anung dapat kong sundin? nakapa-rehistro kami ng kasal namin, at nung dapat mag-aabroad sya eh kinailangan ng authenticated na marriage contract, na-authenticate naman po ng NSO, meaning ba nun legal talaga yung kasal namin? na ako yung unang pinakasalan?