isa pong kaibigan ko na 17 yrs old college student ang pumapayag na makipagrelasyon sa lalaking may asawa na,ilan beses na syang tinetext nung tunay na asawa para awayin dahil nahuli silang dalawa na magkasama at nakitang inihatid ng lalaki sa bahay nila kaharap ang nanay nya. lahat ng hinihingi nya binibigay nung guy kahit walang okasyon may regalo at sa tingin ko po nakuha na nya yung lalaki dahil sunud sunuran sa kanya. Nabalitaan ko na lang na balak nung legal na asawa na ipakulong yung lalaki dahil di na pala nagbibigay ng sweldo dahil nauubos sa pagmomotel at pagbili ng mga gusto nung kaibigan ko. Madadamay ba yung kaibigan ko kung hahainan ng kaso yung lalaki at may kakaharapin din bang kaso yung nanay nya dahil alam nila na yung kaibigan ko ang dahilan ng away mag asawa?
SALAMAT PO