Kung titingnan mo ang reklamao, mababasa mo ang "People of the Philipines vs. (anak mo)" ibig sabihin, ang krimen ay ginawa hindi lang sa biktima kundi sa mamamayang Pilipino. Kung ang biktima ay umatras hindi ibig sabihin na umatras na din ang mamamayang Pilipino. Kaya puede itong ipagpatuloy ng piskal, lalo na kung nakapagtestigo na ang biktima. Mayron ng ebidensya laban sa anak mo.
Pero kung di pa ito nakakapagtestigo, at di pa malakas ang ebidensyang naipresenta ng prosekusyon, oras na umatras ang biktima mahihirapan na ang prosekusyon na kumbinsihin ang husgado sa kakulangan ng ebidensya. Pag nagka-ganun, mapipilitan ng iurong ng piskal ang kaso.
Mungkahi ko sainyo, maliban sa affidavit of desistance, ipa-retract/recant ninyo sa biktima at sa mga testigo nito ang testimonya nila.