Kung ang hinahabol ninyo ay ang 13th month pay at cash bond, sa agency kayo maningil kasi ito talaga ang employer ninyo.
Ang pagkaintindi ko kasi sa employment situation ninyo, base sa kinuwento mo, mga fixed term employees kayo.
Dapat nagfile na kayo ng complaint sa National Labor Relations Commission. Walang dahilan ang employer agency nyo na hawakan o i-delay ng napakahabang panahon ang pagbayad ng 13th month pay (although proportionate lang ito na 1/12 base sa total income ninyo from Jan. 2009 until end of contract sa Sept. 2009 at assuming na binayaran na rin kayo ng proportionate 13th month pay ninyo from Oct-Dec 2008 nung December last year) at cash bond lalo't tapos na ang employment contract ninyo. Hindi pwedeng idahilan ng agency na hindi pa sila binabayarn ng companya (ito ba yung may-ari ng biscuits?) dahil hindi naman ang companya ang employer ninyo. Ang agency, bilang employer ay ang mayrung direct responsibility nito sa inyo.
Ganun pa man, sa pag-file nyo ng complaint against sa employer agency, isama nyo ang companya as additional respondent sa complaint dahil ito ang indirect employer. (Ito ina-assume ko na magkaiba ang kompanya na manufacturer ng biscuits at ang employer agency ninyo at nagkasunduan sila na mag-hire ng salesmen/merchandisers ang agency para itulak ang sales ng biscuits ng nauna). Kung hindi magbabayad ang agency ng 13th month pay ninyo, pwede ang companya ang ipasasagot nito ayon sa batas dahil solidary liability nilang dalawa sa inyo parte as 13th month pay.
However, yung cash bond ninyo ay responsibility lang ng employer agency.
Sana makatulong ito sa paglutas ng problema nyo.