Magtatanong lang po sana ako, Ganito po kasi ang nangyari, ang hanap buhay ko ay pagfiberglass, nagmo-modify po ako ng mga motor. Meron po akong tinaggap na project nitong May 2012. Meron po kaming signed contract, nakasaad dun na 20 working days aabutin ang project. Sa kasamaang palad, nagkasakit po ang mother ko. Hindi po ordinaryo ang sakit niya. Cancer po. Dahil sa pangyayaring ito, Naapektuhan po ang pagtatrabaho ko, bumagal po ang progreso sa project. Lumagpas po ako sa 20 days. Hindi po maiiwasan, nagalit po yung customer. Nag email po siya sakin ang sinasabi: "tarantado ka manloloko ka, pipili ka ng lolokohin mo, ikakahon kita pag uwi ko diyan. gago ka!". Nagreply po ako para magpaliwanag ng maayos, pero paulit ulit lang po ako na minumura at sinasabing manloloko daw ako. Marami pong ibang e mail at text messages sa celfone na sumunod at iniinsulto ako. Na delay lang po ang project, hindi po ako nanloloko, aminado po ako naging mabagal ako. Ngayon pinipilit po nila akong magbayad ng Php10,500 at hindi daw po nila ako babayaran kahit matapos ko ngayong June 2012 ang project. Alam ko na may pagkukulang ako sa kanila, pero hindi naman po tama na mura murahin ako, insultuhin at higit sa lahat, ikakahon daw po ako. Natatakot po kasi asawa ko, baka kasi may gumulpi sakin o masama pa ay patayin ako. May apat po kasi akong anak at ako po ang nagtataguyod sa pamilya, kasama ang mga magulang ko. Ano po ba ang puwede kong gawain? Puwede ko po ba siyang kasuhan? Salamat po ng marami.
Free Legal Advice Philippines