May kaibigan akong babae, 7 months pregnant siya sa kanyang boyfriend na ang pagkakaalam niya sa loob ng 4 na taon na relasyon nila ay hiwalay na ito sa asawa.Until, 2 weeks ago, umalis na sa bahay nila ang lalaki at nakipaghiwalay sa kanyang asawa.Ngayon, ang asawa ng lalaki ay panay ang padala ng mga masasakit na text messages sa kaibigan ko. Puro mura at panunumpa, na sana ay mamatay sa panganganak ang kaibigan ko at kung ano- ano pa.Nalaman din ng kaibigan ko na bukod sa kanya ay may 2 pang girlfriend ang lalaki bukod sa kanya at sa asawa niya.Hindi sila magkasama sa isang bahay,bumibisita lang sa kanya ang "boyfriend" niya.
Question: Kapag nagsampa ng kaso ang asawa ng lalaki laban sa kaibigan ko,may laban ba siya? Kasi hindi naman niya alam na nagsasama pa rin sila sa isang bahay at niloko lang din siya ng "boyfriend" niya tungkol sa totoong estado nito sa buhay. Bukod pa sa may iba pang babae ang "boyfriend" niya..
Question: pwede rin bang magsampa ng kaso ang kaibigan ko laban sa asawa ng "boyfriend" niya dahil sa threatening text messages na ipinadadala sa kanya?