Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Legal Advice for harassment of debtors

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Legal Advice for harassment of debtors Empty Legal Advice for harassment of debtors Thu Mar 04, 2010 9:12 am

Liam


Arresto Menor

Magandang Araw po.

Nais kulang pong malaman ko ano po ang
aking karapatan o magagawa bilang isang
simpleng mamamayan na maipag tangol ang
aking sarili sa pang gigipit sa akin ng
aking kinauutangan.

Umabot napo sa barangay ang aking kaso sa
kadahilanang hindi ko na sususnod ang
usapan sa halaga at takdang pahanon ng pag
babayad ng aking utang dahil sa problema
pang pinansiyal.

Ano po ang magagawa kong sa pag-papahiya
at pang gigipit laban sa aking kinauutangan

ang dahilan lang naman po kong bakit diko
matapos tapos ang aking utang sa kaniya ay
sa taas ng interest at hindi naman saking
naipaliwanag o wala namang nakasulat na
agremento na ganun pala ang paraan niya ng
pag patong ng interest.

At bago niya po ako napa barangay ay nagawa niyang
gumawa na kasulatan tungkol sa aking
utang at binasa sa harap ko atharap ng marameng tao.

ako po ay humuhingi ng tulong kaalaman
kong ano po ang aking karapatan bilang isang mamamayan
kong ano ang nararapat kong gawin laban sa ginagawa sakin
ng aking pinag-kakautangan.

Magagamit kopo ba ang
REPUBLIC ACT No. 3765 Section 6(A)
at ang
Article 19 of the Civil Code of the Philippines
at ano po ba ang ibig sabihin ng mga eto

attybutterbean


moderator

Kung ikaw ay pinahiya o ininsulto ng iyong pinagkakautangan sa harap ng ibang tao ay maaaring may nilabag siyang batas. Ito ay ang Kodigo Penal, partikular na ang probisyon sa “Oral Defamation” (Slander). May 2 uri ng Oral Defamation, ito ay ang “Grave Slander” at ang “Simple Slander”. Kung nakatira kayo sa parehas na barangay ay maaari mong idulog ang paninirang-puri na ginawa sa iyo sa inyong barangay. Kung hindi kayo nagkasundo sa Barangay ay bibigyan ka ng Certificate to File Action at maaari ka ng magsampa ng kasong kriminal sa pamamagitan ng pagsusumite ng Affidavit-Complaint sa Office of the Prosecutor na may jurisdiction sa lugar na pinagyarihan ng krimen. Kailangan din magsumite at sumumpa ng Sinumpaang Salaysay ang iyong saksi na siyang nakarinig ng paninirang-puri na ginawa sa iyo. Kung ang kaso ay Grave Slander, ikaw ay maaaring magsampa ng kaso sa loob ng 6 na buwan makalipas ang nasabing insidente. Kung ito naman ay Simple Slander, 2 buwan lamang ang binibigay na palugit ng batas upang makapagsampa ka ng kaso sa korte.

Kung sa inyong kasunduan ay wala namang probisyon na nagbibigay-pahintulot sa pagpapataw ng interes ay hindi ka maaaring singilin sa interes.

Ang R.A. 3765 ay ang batas na “Truth in Lending Act” na naglalayon na protektahan ang mga umuutang upang maunawaan nila ng lubos ang tunay na halaga ng kanilang utang kasama na ang interes at lahat ng mga ipapataw na singil sa utang. Ayon sa batas, bago magpautang ang creditor (nagpapautang) ay may obligasyon siya na bigyan ang umuutang ng NAKASULAT na DETALYE ng lahat ng mga interes at singil na ipapataw niya sa utang. Ito ay karaniwang tinatawag na “Disclosure Statement on Loan and Credit Transaction”. Kung siya ay nagpautang nang hindi nagbibigay ng Disclosure Statement sa kanyang pinapautang ay lalabag siya sa R.A. 3765. Ayon sa section 6 (a) ng batas, may karapatan ang nangungutang na singilin ng “penalty” ang kanyang creditor na hindi lalampas sa Php2,000.00 at maaari din siyang humingi ng attorney’s fee. Maaari ding sampahan ng kasong kriminal ang creditor ayon sa Section 6 (c) ng nasabing batas at ito ay may kaparusahan na multa na di bababa sa Php100.00 ngunit hindi hihigit sa Php5,000.00, o di kaya ay pagkakakulong ng di bababa sa 6 na buwan ngunit di hihigit sa 1 taon, o parehas na multa at pagkakakulong.

Sa ilang Desisyon ng Korte Suprema ay pinawalang bisa nito ang pagpapataw ng interes at iba pang singil ng creditor dahil sa paglabag sa Truth in Lending Act at dahilan nito ay ang “principal amount” lamang ang pinayagan ng Korte Suprema na masingil ng creditor.

Maidagdag ko na din na ayon sa R.A. 3765, ang depinisyon ng “Creditor” ay:

“(4) "Creditor" means any person engaged in the business of extending credit (including any person who as a regular business practice make loans or sells or rents property or services on a time, credit, or installment basis, either as principal or as agent) who requires as an incident to the extension of credit, the payment of a finance charge.”

Sa aking opinyon ay maaaring maging depensa ng isang nagpapautang na hindi niya negosyo, gawain, o hanap-buhay ang magpautang o di kaya ay hindi siya regular na nagpapautang.

Ang nabanggit mo na Article 19 ng Civil Code ay nagsasabi na:

“Art. 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith. “

Ito ay isang “general provision” na nagpapaalala na ang bawat tao ay hindi dapat nanlalamang sa kanyang kapwa. Kung minsan ay ginagamit ang probisyon na ito kung walang partikular na batas na nagbabawal sa isang gawain ngunit ang nasabing gawain ay maituturing na panlalamang sa kapwa.

Bilang buod, ito ang mga maaari mong gawin:

(1) Itigil na ang pagbabayad sa iyong pinagkakautangan kung sa tingin mo ay labis-labis na ang iyong mga binayad.

(2) Ipabarangay ang iyong pinagkakautangan dahil sa paninirang-puri at magsampa ng kasong kriminal na Oral Defamation kung hindi kayo magkakasundo sa Barangay.

(3) Idepensa mo ang iyong sarili sa barangay (dahil nasabi mo na umabot na sa barangay ang iyong problema) at ipaliwanag mo na walang karapatang magpataw ng interes o anumang singil ang iyong pinagkakautangan. Kung hindi kayo magkakaayos ay humingi ka din ng Certificate to File Action upang magamit mo sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa iyong pinagkakautangan (paglabag sa R.A. 3765).

Liam


Arresto Menor

Marameng salamat po sa kaalaman iyong binahagi saakin para madipensahan ko ang aking sarili laban sa aking pinag kakautangan. ito po ay malaking tulong na aking magagamit kong sakaling umabot na kame sa korte. sangayun po kasi ako po ay inuubligang mag payad ng 500 kada ikaw 15 na araw at dahil sa aking apila na hindi ko kaya ang ganong halaga ginawa niyang 300. na ligid saaking kaalaman na higit na yun sa principal ng inutang ko sakaniya. marameng salamat po ulit

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum