Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

laws of utang

+83
Desire21
maisabelderije
meme
xtianjames
maramadrid
Jaymie
grace0524
Warlord
JIMB
jeffrandell
mommyoftwo
mrhoy
fana
doveheart
theonethatgotaway0416
LORAINE10082010
annier6
c14275
jcneverforgets
missMECG
jane123*
Marie cris
mrg
anne0314
detorc27
lynx
galant860
Khaye17000
guenever123@gmail.com
loralee1920
mas0295
Debtor
CPA2014
deepconcern
baldrescarlo
npserapio
lara10
weng salvador
payatot
jd888
normanpangan
joy_1234
ljadamero
GMARC
Kanchanaburi
jasongarcia
lor
michiesimc
mikay245246
othoy
trumancbowe
niwoteusnam
bleng
may_05
raheemerick
Knowme06
glenncastro2584
lieslie
p_sweetypie
venaie
sillyme
alyssa.mendoza1979
charmaine004
chle25
melvic70
Jrs
cherryrara
mom in trouble
jhoza
minaheredera
bevomercader
jesap1976
leaghab
simplejohn_2006
virgo69
mdventura
jane_kim
nancymenoy
gemyka
attyLLL
eilela
8600431
cyg_gemini
87 posters

Go to page : Previous  1, 2, 3, 4, 5

Go down  Message [Page 5 of 5]

101laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Thu Nov 10, 2016 11:05 am

JIMB


Arresto Menor

atty help po. may naghiram po sa akin ng 60k plus interest. dati kong officemate at naging kaibigan ko na din. 5% interest per month. sinasangla nya sa akin ang knyang atm. nitong huli nyang loan, hindi gumana ang atm at sinabi nya sa akin na kinancel daw ng employer nya. pero pinagtanong ko sa mga ka opisina nya, wala daw ganun. ayaw adin nya ibigay ang bago nyang atm. hndi n kmi nkpag pirmahan nitong huli nyang loan dhil nga tinuring ko n syang kaibigan. ngayon po ay hirap na hirap n kmi sumingil. nasa 50k pa po ang knyang balance. actually, pati interes binawasan na namin. kami pa ang pinag babantaan nya na kakasuhan dhil sa paniningil. ano po ang pde kong gawin? salamat po!

102laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Thu Nov 10, 2016 1:01 pm

Warlord


Arresto Menor

if documented and pautang, pwde nyo ilapit yan sa small claims court na bagong batas ngayon sa pagpaputang.. sa case mo na atm ang binigay, medyo may fault sa pagkakalam ko kasi nga na sa bank law and policy na dapat walang nakakaalam na ang atm code ay alam ng ibang tao.. dahil talamak ngayon ang ganyang tranx na pinapasok, may pananagutan din sa pagkakaalam ko ang nagpapautang dahil una, naniningil kayo ng utang na may tubong nakukuha subalit di naman kayo rehistradong nagpapautang sa sec.. doon pa lang may violation kayo dahil papasok yong batas sa payment ng taxes na dapat naka declare yan sa iyong ITR bilang isa sa source of income mo, pangalawa, nagpapautang ka na walang kasunduan.. doon palang talo ka na kahit kaibigan mo pa man yan. dapat may agreement kayo lagi at dapat di atm ang ipapambayad nya lalo na kung di naman rehistradong pagkakakitaan yang atm na yan na deniclared mong negosyo. Ito po ay opinyon ko lang base sa nababsa ko..

grace0524

grace0524
Arresto Menor

pasensya n po kung isingit ko lang po


Both my mom and dad passed away this year.. kami po ng kuya ay ofw kaya po kumuha po kami ng mapgakakatiwalaan para magaskiso ng utang sa manila doctors..ang tao po ito ay kasama namim pumirma sa manila doctors ng promissory notes.. Ang ginamit po naming banko ay banko ng pinagkakatiwalaan naming tao.. pangalan po nya ang nasa check at duon po kami nghuhulog ng pera.. nagkamali po kaming pgkatiwalaan sya, ni-withdraw nya po ang pera at tumalbog ang check n binayad namin sa hospital. pangalan nya ho ang nakalagay sa check at pumirma ho sya sa manila doctors.. may kasulutan po kami na natatngap nya ang pera at ginamit nya sa ibang dahilan ang pera..

ano po ang pwede po naming gawin, dahil po lahat po ng ipon at pera namin ay naihulog nananmin sa banko nya.
1.meron po kami kasulatan na nagbigay kami ng pera sa kanya.
2.ang tumalbog n check na tinanggap ng manila doctors ay nasa pangalan nya at may pinirmahan din ho sya.
3.pumirma po kami ng promissory notes at wala po kaming titulo na binigay sa manila doctors subalit may listahan kami ng ari-arian na pirmado nmin na hawak ng hospital.WALANG KASAMANG TITULO. promissory note lang ho ang pinirmahaan namin na naggsasabi na huhulugan namin ang utang namin at magbabayad ng check na nasa pangala ng taong nanloko samin.

SALAMAT PO!!! AT MABUHAY KAYO

104laws of utang - Page 5 Empty What case should i file? Sat Nov 19, 2016 6:12 pm

Jaymie


Arresto Menor

Good day po sana po matulungan niyo ko about this matter.
I have a friend na nilapitan po ako dahil may " pautang business" siya she was a former co teacher in my former school.at first i was too hesitant dahil nasa Dubai po ako that time and there is no way na magkapirmahan kami ng contract.pero dahil she's a friend pumayag na din po ako and just to try so nagbigay po ako ng 100k sa knya and sa contract po ang tenure is for three years at ang monthly na interest is 5% which is actually good enough.naging ok nmn po sa unang taon hanggang ngpadagdag sia na umaabot na po ngayon ng 950k ang capital investment naming mg asawa sa knya pwera pa po yung sa mother in law ko na 400k at sister in law ko na 400k.lahat po yun my mga contract which is just a black and white paper na pirmado nmn po namin dalawa plus isang witness.Ngayon po ang problema ko hindi na po sia ngbibigay ng interest for almose 4 months at hindi na din po siya ngreresponse sa mga messages nmin mg asawa at pinasubukan ko na din po patawagan sa phone sa mother ko hinidin daw po sumasagot.Wala po ako talaga magawa ngayon dahil Im here abroad.ilng buwan na po sia nangako na mgbibigay ng tubo but she didnt.what case po kaya ang pwede kong ifile sa knya?is it Estafa?

Salamat po and would be super glad if you could response to this matter the soonest possible time.
Godspeed!

105laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Wed Dec 14, 2016 11:04 pm

maramadrid


Arresto Menor

good evening po attorney,.hihingi po ako ng legal advice regarding po s ngyari po sa amin,.bale po sinanla upa po nmin ung bhay po nmn kc sibrang gipit po kmi bale 50k po ung pgkakasanla,.ung interest po nun ay 5k monthly,.un po ang bnbyaran po nmn sa may ari ng pera,bale po kc nung 1st 5months po nkkpagbgay pa po kmi,tas nwalan po kc kmi ng income kya po 3months npo kme hndi nkpghulog po ng interest tpos po gusto npo sana nmin ibalik ung pinaka capital nung nhiram po na 50k sa may ari,.ngaun po ayaw po nila pumayag gusto po nila mangyari na pati po ung kulang po namin na 3months na hndi po naibgay n interest ay kunin po nila,attorney ano po b ung pwede po nmn gawin?,pwede po kaya un na ang bayaran nlng po nmin ay ung 50k?kc po sobrang ang bigat po ng 5k monthly po na interest,hindi npo nmin kaya mbayaran ksama po nung kakulangan na 3months,gusto npo sana nmin matapos npo kmi mgbayad sa knila,ang sabi pa po ksi nila sa amin ipapabaranggay dw po kmi kng hindi po namin maibbalik ung total po na 65k.ayaw po nila pumayag na ung 50k lng po ang bayaran nmin,ano po ba ang dapat po nmin gwin,dapat po b na pumayag po kmi sa gusto po nila na 65k ang bayaran? attorney sana po matulungan nio po kami sa idinulog po nmin sa inyo,sobrang maraming salamat po kng ako po ay inyong matutulungan,godbless po,.

106laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Thu Dec 15, 2016 1:16 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Since pumayag ka naman sa terms nung nangutang ka, karapatan nun nagpautang na singilin sayo yung napagkasunduan nyo. Hindi mo mapipilit yung nagpautang sayo na sumunod sa gusto mo ngayon since nga may usapan naman kayo bago pa nya ikaw pautangin. Dapat kung natataasan ka sa interest, bago ka pumayag ay nakipag negotiate ka na.

Pwede mong icontest sa korte yung mataas na interest sa utang mo kaso kakailanganin mo parin gastusan yung pagfile sa korte.

Incase babayaran nyo na yung 65k, make sure na kaliwaan yung transaction nyo para na din iwas sakit ng ulo. At in the future iwasan nyo na ang 5-6 at mabigat talaga interest nyan. mas maganda pa na sa bangko kayo mangutang.

107laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Tue Dec 27, 2016 10:48 am

meme


Arresto Menor

Nagkautang po kasi yung family namin sa coop ng 40k. Balak naman po talaga naming magbayad kaso po gipit sa pera. After 5 years po, naging 60k, nakabayad din naman po kahit papano. Then after 2 yrs, naging 270k+ po yung utang namin since nilipat na daw po nila sa isang credit collecting company. Pinagbabayad po kami ng 10k asap. Tapos po nagkaron po sila ng co-maker na di naman nila kilala. Iaakyat na daw po nila sa legal yung case if ever di namin ma comply yung sinisingil nila. Babayaran na po namin ang kaso sobrang laki ng 270k+ na sinisingil nila. Nung makita po namin yung sinend nilang paper, meron po kaming babayarang attorney's fee. Di po namin maintindihan. Sana po mabigyan nyo kami ng legal advise na pwede naming gawin. Salamat po.
PS. Di din po namin sigurado kung legal yung credit collecting company

108laws of utang - Page 5 Empty Anak ng Umutang Thu Dec 29, 2016 12:42 am

maisabelderije


Arresto Menor

Hi, tanong ko lang po sana kung may obligations po ba ang anak ng nagkautang na bayaran yung inutang ng magulang nya? namamana po ba ang utang? my father is no longer capable of working and he does not have any properties or savings.

109laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Fri Dec 30, 2016 6:16 pm

Desire21


Arresto Menor

Good evening po sa lahat.. Need ko po ng legal advice.. Salamat po nang marami sa makakabigay ng opinions..

Kakalipat lang po namin dito sa Cebu noong magkakilala ang asawa ko at ang taong umutang sa amin. Kalaunan, nagkapalagayang loob po kami kasama ng asawa nya kaya pumayag po ako na pautangin sila ng Php60,000. Di na po namin ginawan ng written agreement kasi after a few weeks, we decided to rent a house at naging housemates po kaming dalawang couple so naging kampante po kami kasi maayos naman ang pakikitungo nila sa amin. Guarantee po ng umutang sa amin na babayaran niya po kami kapag nanalo na siya sa kasong sinampa nya against sa company nya. Ang nangyari, di siya nanalo sa kaso. So, next guarantee nya eh yung SSS loan nya at final pay. Nagdaan na rin po yun pero wala kaming natanggap bilang kabayaran kahit initial payment. Noong JUNE 2016 pa po niya inutang ang pera hanggang sa umabot na sa Php85,000 ngayong buwan ng December.

Ano po ba ang dapat gawin namin para mapabayad namin sila? Kasi parang balewala lang po sa kanila eh.. Dinadaan-daanan lang kami, puro pangako pero walang nangyayari..

Salamat po sa makakaadvise sa amin.. Happy New Year po!

110laws of utang - Page 5 Empty SANGLA-TIRA Wed Feb 01, 2017 10:11 pm

mjggonzales12@gmail.com


Arresto Menor

Hi everyone! Gusto ko po sana magtanong kung anong magandang gawin. Yung mother ko po kasi may paupahan at nangutang sa isang tao. Ang una po nya inutang ay 50,000 at may kasulatan sila na sanla-tira na agreement hanggang hindi naibabalik ng mother ko ang hiniram nya na pera ay dun sila titira sa pauhan namin na bahay. Ang kontrata po ay 2 yrs. Dumating po ulit sa pagkakataon na humiram ang mother ko ng pera at umabot sa 110,000 ang nautang. Ngayon po ay tapos na ang kontrata nila at pinapapirma ang mother ko ng bagong kontrata. Nakipagusap po ako sa inutang ng mother ko at nakikiusap na kung pwede sa paggawa ng bagong kontrata baka pwede po na may ilang porsiyento na mapupunta sa interes at may porsiyento na mapupunta naman sa principal para naman po makaahon ang mother ko at matapos ang utang nya. Yung bahay po na tinitirahan nila kung papaupahan ay nagkakahalaga ng 7,000 kada buwan. Dumudulog po ako dahil gusto ko po sana malaman kung may karapatan po ba kami na tumawad at magkaroon ng linaw at katapusan ang utang ng mother ko. Hindi po namin kaya bayaran ng biglaan ang 110,000 paano po kami makakaahon kung mismong yung nagpautang ayaw pumayag na bawasan ang principal na utang sa bagong kontrata ang gusto po nila ibigay namin ng buo ang utang pero hanggang hindi naibabalik ay titira sila sa paupahan namin. May karapatan po ba kami na baguhin ang kontrata? Base po kasi sa pagaaral ko lugi po ang mother ko at napalaki naman ng interes. Maaari po ba kami humingi ng tulong at payo sa inyo. Meron po ba nilabag ang nagpautang? Yung kontrata po nila ay notatized pero walang nakalagay po sa kontrata na kapag dumating ang deadline o 2 yrs at hindi nabayaran wala pong nakalagay naiilitin ang bahay namin. Sinasabi rin po ng nagpautang na wala daw po ako karapatan sa bahay dahil ang mother ko kausap nya. Pero sa titulo po ng bahay namin ay bukod sa mother ko sa aming magkakapatid nakapangalan ang bahay. Ano po ba ang maganda solusyon at payo ang maibibigay ninyo? Maraming salamat po sa agaran ninyong pagtugon.

111laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Wed Mar 15, 2017 5:24 am

ard663


Arresto Menor

ako ngayon ay Permanent Resident na sa US, pero ako po ay may utang pa sa aking credit card bago pa man ako umalis ng bansa, maari po ba akong mahold sa imigration at makasuhan pag ako po ay umuwi sa Pinas.

112laws of utang - Page 5 Empty Re: laws of utang Fri Mar 17, 2017 3:01 pm

ecarl091505


Arresto Menor

mag ask lang ako advice sa hiniraman ko ng pera she keeps insisting na puntahan ako lagi sa trabaho ko para makipag- usap o maningil, nagbabayad naman ako twing end of the month although hindi enough, nanghihinayang na rin kasi ako dahil sa laki na ng naibayad ko puro sa interest na lang lahat pumasok, doble na o halos triple na ang pinapabayaran nia. ngayon gusto nia ipasa sa ibang tao yung obligation ko sa knya na financer nia daw kuno, sabi ko naman hindi ko yun kakilala at mulat sapol si lender no.1 ang kausap ko at nagpahiram at sa knya din ako nagbabayad including payments made by me thru her bank na kay lender no. 1 bank account. pde ko ba syang ireklamo for insisting na puntahan ako sa trabaho para dun kami mag usap ng personal na problema ko sa kanya, pangalawa pde ba aong tumanggi na ipapasa nia ako sa ibang tao na hindi ko naman naka transaction ever since?

113laws of utang - Page 5 Empty unpaid loan sa HK Tue Mar 28, 2017 4:33 pm

falling star


Arresto Menor

Nag ask din aq ng advice s lawyer online.
Good afternoon po. Mag tatanong lang po sana. Last September 2016 ay nagfile po ako ng personal loan sa Hong Kong kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay, sa natanggap ko pong loan ay may ka~share ako na ang kinuha nya ay $5,000. Oct and Nov ay ok pa naman po ang pagbabayad nya sa akin but Dec po ay hindi na siya nakabayad kaya ini advise ako ng Lending Company na i~file na lang ng re~loan na siya ngang ginawa ko. At nakatanggap pa ako ng karagdagang amount. But sadly, an incident happened which made me resigned from my job in HK and since i dont want to go back in the Phils. unemployed, I did look for another job in other country and a job i landed. Ngayon po, 3 months ko ng di nababayaran ang loan ko at hindi na din po nagparamdam ang ka~share ko sa loan. Then, i received a text message from the Lending company na nagsasabing i~issue na or dadalhin na next week sa bahay ng employer ko sa HK at sa home address ko sa Pilipinas ang aking warrant of arrest for estafa and warrant of seizure to sheriff and garnish property, possible po ba ito kahit wala ako sa Pilipinas? Pwede po ba nila i~file sa HK at Pilipinas ang kaso kahit wala ako dun? Sana po ay masagot ninyo, salamat po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 5 of 5]

Go to page : Previous  1, 2, 3, 4, 5

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum