Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Tenants Right?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Tenants Right? Empty Tenants Right? Wed Mar 03, 2010 1:22 am

kweeztals02


Arresto Menor

May question lang po, kse gusto na po sana namin gamitin yung bahay na pinapaupahan namin,nagbigay na po kmi ng verbal notice nung last week ng January 2010 na hanggang Last week nalang sila ng May. Kaya lang nagde demand po yung mga Tenant ng 2 months free of rent. Meron po ba sa batas natin ng ganon? ang reason nila is pinapaalis daw kse namin sila. ano po ba ang legal procedure na dapat gawin..before they moved in nag bigay po sila ng 1 month advance and 1 month deposit..sana matulungan nyo po ako..maraming salamat

2Tenants Right? Empty Re: Tenants Right? Mon Mar 08, 2010 4:13 pm

attybutterbean


moderator

Wala namang batas na nagsasabi na kailangang bigyan ng lessor ng 2 buwang libreng upa ang lessee kapag papaalisin na. Kung walang batas na nagsasabi ay hindi ka obligado na pagbigyan ito.

Tutal ay meron naman silang ibinigay na 1 month advance, ito na ang iyong gamitin na pambayad nila para sa huling buwang upa. Kausapin mo na lang sila na ibabalik mo ang 1 month deposit nila kapag sila ay umalis na walang nasira sa bahay at kung wala silang iniwang obligasyon tulad ng bayad sa kuryente, tubig, telepono, etc.

Padalan mo muna sila ng demand letter na nagsasabi na hindi mo na itutuloy ang pagpapaupa dahil gagamitin mo na ang bahay. Ilagay mo din sa demand letter kung hanggang kailan sila puwede manatili sa bahay.

Kapag hindi sila umalis sa takdang araw ay maaari mo ng idulog sa barangay. Kung hindi pa din kayo magkakasundo sa barangay ay bibigyan ka ng Certificate to File Action at maaari ka ng magsampa ng kaso sa korte.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum