good afternoon po, hihingi lang po ako nang advice sa inyo tungkol sa nakuha po naming pasanla na sa ngayon ay nagiging problema po sa amin. sapagkat hindi na sya nakakabigay ng tubo buwan buwan. at napagalaman din namin na ito pala ay paalis din patugo ng canada ayon din sa nakuha naming impormasyon galing sa mga kaanak nya. nangangamba kami na baka kami ay hindi na mabayaran o hindi na maibalik pa ang pera namin. ang tao pong ito ay may 12 units na paupahan at ito po ay nakasanla sa labing dalawang tao rin kasama na ako at nakasanla rin ito sa bangko. huli na po ang lahat ng malaman namin na ganito pala ang sitwasyon ng kanyang ari arian. sa akin po ay naisanla nya ang dalawang unit nya sa halagang 70,000 at magbibigay naman sya sa akin ng 3,000 a month, last january 2011 naisanla sa akin ang isang unit No.1 sa halagang 40,000 at ung unit No.2 naman ay last september 2011 naman sa halagang 30,000 one year contract po lahat ng ito at renewable po if hindi matubos ng 1 year. ganon din po sa ibang tao pa pareho ang contrata renewable after 1 year. sa ngayon po ay hindi na sya nagpapakita sa amin buhat ng last day of march hindi nya sinasagot ang mga tawag namin at text sa mobile nya. sa aking pagsisiyasat po napagalaman ko din na ang nakasanla sa akin na dalawang unit ay nakasanla din pala sa ibang tao sa parehong halaga, at ang kaparehong napagsanlaan ay namomoreblema din dahil sa ang taong ito ay di narin nagpapakita kanya, dumating ang punto na nagkakila kilala kaming lahat ng napagsanlaan, hangang sa nagpasya kaming lahat na magtungo sa barangay na nasasakupan ng nasabing tao, at doon po ay ipinatawag ang nagsanlang tao at nagkasundo na maibabalik na nya ang mga pera ng mga tao, at matapos na rin ang kontrata sa kanya ng mga nakasanla. hingi lang po ako ng advice kung sakali na hindi matupad ang kasunduan namin sa barangay tungkol sa pagbabalik ng pera namin, pd po ba kami magsampa ng kasong stafa sa piskalya at ito po ba ay maitatala ring as a kriminal record sa NBI? para ng sa ganon po ay maharang ang kanyang paglabas sa bansa patungo sa canada. o pano po ba kami makakapagsampa ng kaso sa canadian embassy para makansila ang kanyang pagalis.
please reply po.. kailangan po namin ng mabilisang hakbang laban sa taong ito para maibalik ang pera namin lahat.