Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help! Oral Defamation Case

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Help! Oral Defamation Case Empty Help! Oral Defamation Case Thu Jan 28, 2010 6:49 pm

jonric_08


Arresto Menor

Hello there I just want to ask for some legal advice. It’s actually a long story and my mother and sister are the ones involved. Ganito po kasi yun.

May bestfriend yung sister ko na kapitbahay namin and since bestfriend sila hindi maiiwasan magtaguan sila ng sikreto. But this time tungkol sa pag-aaral ng bestfriend nya ang sinekreto nila. Hindi na pla pumasok sa school ung girl so ang ending hindi sya nakapag-enrol for the next sem.

Nung time na yun pinapipirma yung sis ko to act as Tita nya daw, nabanggit niya sa mama ko na ganung nga ung plan nilang magbestfriend, kaya nagbitaw ng salita ang mama ko na. “Isusumbong ko yan sa mama niya. Yan ang wag mong gagawin, dahil magagalit sa iyo ang magulang ng kaibigan mo.” Meaning, nung lang time na yun nalaman ng mama ko na hindi na pala talaga nag-aral ng tuluyan ung friend niya.

Nakiusap ung sis ko sa mama ko na wag na niyang sabihin dahil nga gagawan daw ng paraan ng friend nya.

But hindi nakatiis ang mama ko hanggang sa isang beses kinausap ng mama ko ung nanay ng friend ng sis ko at nagpahaging mama ko thru pangungumusta sa pag-eenrol ng anak niya.

After nila mg-usap napaisip yung nanay ng friend ko kung anong ibig sabihin ng mama ko sa binitiwan niyang mga tanong. Then, naconfirm niya na lng na hindi na nag-aaral yung anak niya kasi me may nakita siyang paper from school ng anak niya na pinirmahan ng isa nya pang pamangkin para lang mag-act as Tito niya.

One day, habang papunta ng school yung friend ng sis ko at mama niya at nasa labas din ang mama ko, sabi ng kapitbahay namin, “Alam mo na pala Nay na hindi nag-aaral tong anak ko, matagal na.” Hindi nakapag-react ang mama ko so pagbalik nila from school, nagpunta na yung mama ko para kausapin siya to clear herself out na hindi naman talaga niya alam na matagal ng hindi nag-aaral yung anak niya. Late niya na lang talaga nalaman. Hanggang sa nagsigawan na sila at sinabi ng mama ng friend ng sis ko na, “Alam mo naman ng nagtui-tuition yan at nag-aallowance pa eh matagal na palang hindi pumapasok, h hindi mo pa ako dinirekta kaya nagastusan pa kami. Sabi ng mama ko, “Hindi naman ako ang nag-paaral sa anak mo para sabihin ko sa iyo kung anong ngyari sa school niya.” Then, may nasabi ng out of the topic ung kapitbahay namin na kesyo sinasabihan daw ng mama kong pangit yung anak niya. Until, nagalit na na siya at ang sabi niya sa mama ko, “Hindi niyo ko kilala? Kilalanin niyo ako” para sa mama ko pinagbantaan siya ng kapitbahay namin. Before umalis ang mama ko, nagsabi siya na, kung kasalanan ko ang hindi pagsabi ng direkta sa iyo ng ngyari sa school ng anak mo, patawarin mo ako.

The next day, may nagtanong sa mama ko kung ano ang isyu sa pagitan nila ng kapitbahay namin. Since nasa labas mama ko and medyo malakas ang boses niya nung nagsabi siya ng ngyari sa kanila, me nakarinig siguro. Ang sabi ng mama ko, “Eh kasi ako ang sinisisi nilang mag-asawa sa pagloloko ng anak nila palibhasa natutulog sila sa pansitan.” Nung nakarating sa kanila yun, lumabas ung kapitbahay namin at nakipagkwentuhan sa isa pa naming kapitbahay at nagsabi siya na pinagkakalat daw ng mama ko na natutulog silang mag-asawa sa pansitan. That time, nagtitinda ang mama ko so dinaanan niya yung paninda ng mama ko at tinabig. Hindi siya pinansin ng mama ko. After that, dumura-dura na siya na pinarinig pa sa mama kong, “Pwe, Pwe!” Nag-init ang ulo ng mama ko kaya nagpwe-pwe rin siya at minura niya na ung kapitbahay namin. Hanggang sa nagbanggit na yung kapitbahay namin yung kabulukan ng sis ko, Sabi niya, “Ang anak mo nga nakikitulog sa kung saan-saan.” Ang sagot naman ng mama ko, “Alam ko ang kabulukan ng anak ko! Ikaw alam mo ang kabulukan ng anak mo?! “Eh yung anak mo tingnan mo yung suso itsura nilamutak na ng sampung lalaki.”Nakapag salita ang mama ko ng ganun kasi siya ang unang nagsabi sa kabulukan ng sis ko. Dun na natapos. Dahil may umawat na sa kanila.

Nagkaroon na kami ng 1st hearing and our neighbor insisted na kakasuhan daw nila kami ng Oral Defamation dahil nga daw sa sinabi ng mama kong “sampung lalaki na ang lumamutak sa s_s_ ng anak niya.

Ang pinaglalaban namin ng mama ko, siya ang nagsimula ng lahat dahil nga sinisisi niya ang mama ko sa hindi pagsabi directly sa kanya na hindi na pala pumapasok ang anak niya at ang dating sa kanya, masaya pa ang mama ko sa panloloko ng anak nila sa kanila, , then siya ang naunang nagbanggit na kabulukan isyu at isa pa yung pagbabanta niya ng, “Hindi nyo ko kilalla, kilalanin niyo ko!”

Ang question po, ano po ang magiging result ng reklamo nilang oral defamation sa mama ko and maaari ba naming I-counter yung pagsisisi niya sa mama ko sa pagloloko ng anak niya na main reason kung bakit nagkaroon sila ng samaan ng loob at ang pagbabanta niyang, “Hindi nyo ko kilalla? Kilalanin niyo ko!”


Thank you for the privilege to post this issue.


2Help! Oral Defamation Case Empty Re: Help! Oral Defamation Case Fri Jan 29, 2010 12:20 pm

mala_in_se


Arresto Menor

I assume that the hearing you mentioned is the barangay conciliation proceedings. I would recommend that you try your best to settle it amicably. Hopefully, at some point, tempers will have died down and they agree to drop the case.

If not, then remember that the barangay does not stand as judge, but as mediator. They have no authority to decide on the case and can only issue a certification that no settlement was reached and the case can be filed.

Your neighbor will then need to file a complaint with the prosecutor's office. You should monitor this, because the prosecutor has discretion to decide whether the case should undergo preliminary investigation or not. It is better if there is one, otherwise the complaint might be filed already with the MTC. I would recommend that you also file a counter charge of slander against your neighbor to strengthen your mother's case.

Based on your account, it appears there is basis for a finding of simple slander. The punishment is imprisonment of 1 to 10 days or a fine of P200.

If I were representing your mother, I would argue defense of a relative. When your neighbor stated that your sister sleeps kung saan-saan, this was also slanderous, and your mother was defending your sister by striking back.

3Help! Oral Defamation Case Empty Re: Help! Oral Defamation Case Fri Jan 29, 2010 11:53 pm

jonric_08


Arresto Menor

Thank you for the immediate response. This advice really enlightened us up. For now, we will not fail to cooperate with the barangay conciliation's proceedings and if after 3 sessions, issues were not settled and will be filed in the prosecutor's office then we would issue a counter charge.

Again thank you so much! More power.. Smile

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum