Gusto ko po sanang humingi ng legal advice about po sa kaso ko, ganito po kasi yun.
Nagwowork po ako sa Kuwait and ng mabalitaan kong namatay po ang aking ina noong March 29, 2012, umuwi po ako para asikasuhin ang lahat-lahat pati medicals bills. Ang problema ko po ay isa sa tenant namin dito.
Meron po kaming caretaker na nag-mamanage ng mga paupahan namin dito. Dalawa po sa mga kapatid ko kasi ay drug addicts, ibinilin po namin sa caretaker na pagsabihan ang lahat ng nangungupahan na wag na wag silang magbibigay ng kahit anong pera sa dalawa kong kapatid na lalake dahil madaming beses na pong nangyari na nakuha yung upa sa bahay at ginamit lang sa bisyo nila.
Ngaun po, nung febuary 29, naisugod po ang nanay ko sa hospital at tumagal po sya dun ng hanggang march 29 gang sa namatay din po si nanay nung araw na iyon. Nung inutusan ko po ung caretaker namin na singilin ung isa naming tenant, sinabi po nito sa caretaker namin na isa po sa mga kapatid ko ang kumuha sa kanila ng halagang 20,000 at pumirma ng kasunduan na hanggat ndi nababayaran yung 20,000 ay hindi sila magbabayad sa loob ng tatlong buwan. Bilang kapatid at anak din po ng nanay ko, walang nakaalam na kahit sino na yung isa kong kapatid ay nakakuha ng ganung kalaking halaga, kahit na po ang mismong caretaker naming kung hindi pa sila siningil nung araw na yun ay hindi ko malalaman.
Ito po ang eksaktong nakalagay sa papel na ipinakita samen ng tenant:
FEBUARY 29, 2012
AKO SI ********(NANAY KO PO), NASA WASTONG EDAD AT MAYARI NG PARENTAHANG BAHAY SA # 53 VISCARRA ST. BARANGAY 135 PASAY CITY AY TUMANGGAP NG DALAWAMPUNG LIBONG PISO(PHP 20,000.00) KAY **********(TENANT), NAKATIRA SA AKING PAG MAMAYARING BAHAY SA # 53 VISCARRA ST. BARANGAY 135 PASAY CITY AT AMING NAPAGKASUNDUAN NA HABANG HINDI KO PA NAIBABALIK ANG DALAWAMPUNG LIBONG PISO(PHP 20,000.00) SA LOOB NG TATLONG(3) BUWAN, SILA AY HINDI MAGBABAYAD NG UPA. AT HANGGAT HINDI KO PA MAIBABALIK ANG NASABING PINAHIRAM NA PERA SILA AY HINDI PA RIN MAGBABAYAD NG BUWANANG UPA.
SEGUNDINA SAYSON(MAYARI) (signed by Michael Aldrin Sayson, which is my brother, not my mom)
ADDITIONAL FIVE HUNDRED PESOS Php500.00 March 11, 2012 8:45 PM
Yan po ang eksaktong nakalagay sa pinirmahan ng kapatid ko. Ang tanung ko po ay ganito:
Ang pumirma po sa name ng nanay ko ay ang kapatid ko at hindi ang aking ina.
Naisugod po ang aking ina noong Feb 29, 2012 ng bandang alas-sais ng gabi. Naibigay nila ang pera ng bandang alas-otso ng gabi, yun ay ayon sa aming tenant.
Ayon po sa tenant namin, hindi nila naipagbigay alam na nakapagbigay sila sa kapatid ko dahil sa napagalaman nga nilang isinugod si nanay sa hospital at kelangan namin ng pera, kahit na sinabihan sila na huwag na huwag magbibigay sa dalawang kapatid ko na yun ay ginawa pa rin nila. Hindi po nakinabang ang aking ina dahil dinala lang sa bisyo ng kapatid ko yung pera.
Napagalaman ko po na simula febuary hanggang ngayon ay hindi sila nagbibigay ng bayad sa bahay dahil ang katwiran nila eh may kasunduan nga po na kapag di naibigay yung pera ay hindi sila magbabayad ng upa sa loob ng tatlong buwan at kung hindi pa rin maibagay ang 20,000 ay patuloy silang di magbabayad ng upa.
Ang renta po nila buwan buwan ay Php7,000.00. Ngayon po nung napagalaman ko po yun ay humingi ako ng tulong sa baranggay. Ngayon po ang napagkasunduan po namin ay babayaran ko nalang po yung 20,000 kahit na hindi ko po dapat gawin yun dahil ang katwiran ko ay wala kaming kaalam-alam dun at hindi nakinabang ang aking namayapang ina sa perang yun. Isa pa po, sinabihan na sila ng madaming beses na wag ibibigay ang upa sa kahit sino sa dalawa kong kapatid na may bisyo dahil nga po sa paulit-ulit na pangyyari na panloloko. Ang sabi ko po sa tenant namin na after kong mabayaran yung 20,000 ay dapat na nilang bayaran ang renta nila buwan-buwan. Ang katwiran nila, ung perang ibinigay sa kapatid ko ay inutang din nila at may interest na 25% monthly which is Php5,000. Ang napagkasunduan nga po sana ay sila na dapat ang bahala sa interest at babayaran ko nalang yung 20,000. Ang sabi po ng lalaki naming tenant ay paguusapan pa daw nilang mag-asawa kung ano po ang desisyon nila, so wala pa pong final decision sa barangay.
Ngaun po dapat ay magbabayad na ako ng 20,000. Nung inutusan ko yung caretaker naming na ibigay na yung pera ay ayaw pong tanggapin ng tenant namin. Ang gusto nila kumpletuhin nila na hindi sila magbabayad ng 3 months, bale Feb-Apr, tas saka po nila tatanggapin ung 20k sa May 1 at sa May 30 sila magstart ng regular payment nila sa house. Before po kasi ma-admit si nanany sa hospital nung feb29, nakapag-advance na kami sa kanila ng halagang Php4,500, accumulated na po yun. Sinabi namin na ang kulang Php2,500 ay sa katapusan nalang bayaran, Every katapusan po kasi ang payment nila sa house.
Ngayon po ang nangyari, ung 4,500 na ina-advance namin ay ginamit nila bilang advance interest. Ung natitirang 2,500 daw ay saka nila babayaran once na makumpleto ung 3 buwang kasunduan. Ngaun po, sabi ng tenant namin, nakuha nila yung pera na 20k dun sa inuutungan nila ng feb.20, pero naibigay ang pera sa kapatid ko feb.29. Para sa buwan ng March at April, ayaw nilang bayaran ung upa dahil ang diin nila eh yungg 3 months na usapan. Tama po ba yun?
Kasi po ang naiicip ko po ay ganito.
Feb. 29, nakuha ung 20k.
Mar. 29 – 1st month with interest. According to our tenant, 5k ang interest sa inuutungan nya pero ang lumalabas, may additional na 2k na interest ang kinukuha nila samen kasi nga po 7k ang monthly rental nila. Ang diin samen ng tenant, qng ano man daw ang napagusapan nila ng pinagkautangan nya ng 20k ay magkaiba sa usapan nila ng kapatid ko. Ang tanung ko lang po, may habol po kami dun? Kasi po ginamit ng kapatid ko na collateral ang isa sa paupahan naming house which is yun nga pong tinitirhan ng napagkuhaan ng brother ko ng pera.
Ung property po na ito ay hindi pa nahahati sameng magkakapatid. So technically, kung may mga ganyang usapan, di po ba karapatan malaman ng ibang mga kapatid kung may sanlaang nangyari? Valid po ba yung ginawa ng kapatid ko?
Isa pa po, hindi po ang nanay ko ang pumirma nung kasulatan kundi yung kapatid ko lang. isa pa po yung kinuhang witness ay sa part lang ng tenant ko, kaya nga po wala kaming kaalam-alam sa nangyaring transaksyon na ganun.
Di po ba falsification of documents yun kasi di naman po pumirma ang nanay ko dun at wala din pong authorization ng ibang kapatid yung nangyaring usapan. May laban po ba ako dun? Kasi po kung susumahin ko ang makukuha nila saken ay 41k. 20k po dun sa ibabayad ko sana at 21k sa upang di nila binayaran sa loob ng tatlong buwan.
Napaka-unfair naman po nun para saken dahil nga po napakarami kong utang dahil po sa pagkakasakit ni nanay, umabot na po sa half million at kelangan kong i-collateral ung lupa namin para po makapag-isyu ako ng post dated check sa banko at mabayaran ko ung hospital at yung upa po sa mga bahay ang inaasahan kong makakatulong saken para mabayaran yun.
Ayaw ko na pong paupahin yung tenant namin. Ang balak ko di ko na po, di na sila magbabayad ngaung April pra mabayaran na ung 20k na kinuha ng kapatid ko, at ipapagamit ko na sakanila yung 1month advance and deposit nila. Di na po ako magbabayad ng 20k sakanila dahil lumalabas po na 41k na ang makukuha nila samen eh di naman napakinabangan ng nanay ko ung 20k at ang gnawa nila ay 3months worth of interest ang makukuha nila na for almost 21k, eh ang interest nila ay 25% lang or 5k, so dapat po ay 10,000 lang dapat kasi 2 months palang po simula ng makuhah ng kapatid ko ung pera, wala pa nga pong 2 months eh. Tsaka po obligation pa ba namin na pati interest nunng inutang nyang pera eh kami pa magbabayad? Di na po ata makatarungan yun para saken, sobra sobra na nga po ung ginawa nilang panloloko samen. Di pa nga po umaabot ng 3 months eh un na po agad ang gusto nilang kunin samen.
Please tulungan nyo po ako kung anong dapat kong gawin. Maraming salamat po.