Gusto ko lang po sana isangguni ang situation ng ate ko at alam ko na nangyayari din po ito sa iba.
Ang asawa po nya ay magdadalawang taon na po sa Dubai. At nung isang taon ko pa nadiskubre na may babae sya doon. Hindi ko alam kung magkano ang sahod nya pero buwan buwan ay 4000 na libo lang ang pinapadala nya. Mayroon silang dalawang anak.
At ang babae nya ay may kapal pa ng mukha na magsalita ng kung ano-ano sa ate ko.
Wala na po kaming planong bawiin pa ang asawa nya sa kabit nya pero sa sustento po ba ay may habol kami?
Ano po ang dapat gawin ng ate ko?
Maari ba silang kasuhan?
Sana po ay matulungan nyo kami.
Salamat poh.