Ako po si Catherine, from Mindoro. Ask po sana ako ng advice kase yon titulo ng lupa na napangalan sa akin ay ginamit ng parents ko para umutang ng pera sa isang kakilala. Wala po akong binigay na autorization sa parents ko.
Pumirma po yon nanay ko sa contract na sa katunayan ay may utang sila at dapat bayaran ang interest na 7% kada buwan.
Nakapag bayad na po yon parents ko ng 80K, dun sa nautang nila na 40K. Ngayon po eh gusto daw rematahin ng pinagkakautangan nila yun titulo dahil hindi daw sapat yun ibinayad nila at ngayon eh humihingi ng 160K para daw po sa interest.
Ano po ba ang rights ko? At pwede po bang rematahin yun titulo at ibinta sa iba?
Salamat po ng marami at umaasa po ako na ako ay inyong mapapayuhan.
Last edited by katejade on Tue Apr 17, 2012 6:21 pm; edited 1 time in total