May problem ho kaming magkakapatid..meron ho akong biniling lupa kaso masyadong malaki un lot kaya nag offer ako sa mga kapatid ko na bilin nila un ibang portion, since walang pera un isang kapatid, tanong nya kung pwede daw ipasok sa pag ibig.. pumayag ang seller na ipasok sa pag ibig un remaining na 70% basta magcash out kami ng 30%.. since ako lang ang may pera kaya ako ang nag cash out ng 30%.. ang usapan eh 70% ang papasok sa pag ibig na nasa 1.3M kaso pag dating sa pag ibig eh binago nila at ginawang 750k na lang dahil daw malaki ang magiging tubo kaya ganon na lang daw ipasok.. lahat ng savings ko eh naibayad ko ng cash kasi un pinag usap na papasok na amount sa pag ibig eh di nangyari.. nailagay un title sa asawa ng kapatid ko.. for 2 years eh nastock ang mind ko sa problem na yan kasi puro problem ang na-encounter ko dahil naubos ang pera ko lahat.. natauhan lang ako ng sabihin sakin na bakit di mo gamitin ang lupang nabili mo eh wala ka nman utang dyan.. bumalik lahat ang nangyari 2 years ago.. nagdemand ako sa kapatid ko na gamitin ko ang lupa ko, magpapatayo ako ng bahay since nagrent lang ako.. di daw pwede kasi nakapangalan sa kanila at ayaw rin ng pag ibig na pagamit un lot kasi di daw nakapangalan sakin.. the only solution is to reloan as house construction, in short ang kapatid ko ang magloloan ng house contruction para sakin.. di pumayag ang kapatid ko kasi baka daw diko mabayaran ang monthly amortization at sila daw ang magbabayad nun pag di ako nakabayad.. ako pa ang nagmamakaawa na magpatayo ng bahay ganun fully paid ako sa portion ko.. ang hinihingi ko lang load eh 300k which is equivalent to 1900peso monthly.. hindi ko daw kayang magbayad, ganun ang laki ng binayad ko na almost 1M.. gusto ko sanang idemenda ang kapatid ko at ang asawa nya, ano po ba ang pwedeng i-kaso? lahat ng legal documents eh hawak ko,payment voucher para sa dp at ako rin ang alam ng seller na may ari ng lupa.. walang hawak na kahit anong documents ang sister ko kasi di nman sila ang nag-ayus nun.. NILOKO ho ako.. pwede bang LAND GRABBING ang maging kaso.. san ho pwedeng mag file, sa barangay muna ho ba? sabi sakin eh wala daw akong habol kasi na pangalan nila ang title, pwede daw nilang di ibigay ang portion ko.. hintayin ko daw na matapos nilang bayaran sa pag ibig un lupa. Hingi sana ako ng payo kasi gusto kung idemanda.. ang laki kasi ng hirap ko para mabili un lupa den sila eh wala nman.. nagkaroon sila ng lupa na kahit singko eh walang nilabas.. tulungan sana nyo ako.. thanks
Last edited by kapos on Sun Apr 08, 2012 12:02 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : change the topic to give interest to atty)