gusto ko po humingi ng payo sa inyo.. tungkol sa aking ina na nangangaliwa at sumama sa may asawa.. ang aking ina ay edad 47 at ang aking ama naman ay 72. malaki ang kanilang age gap at sa ngayon ay ang akin ama ay may sakit last 2004 nagkaroon ng sakit sa puso ang ama ko, at hanggat ngayon ay nagpapagaling. ang aking ina naman ay may negosyong buy and sell at operator ng motor sa aming lugar ang pera na pinambili dito ay galing sa pention ng ama ko,. sa kasalukuyan ang akin ina ay hindi na nanalagi sa amin bahay araw araw kahit gabi ay di rin siya dito sa amin na tumutuloy.. matagal ko na naiisip na may ibang kinakasama na ang ina ko, at napatunayan ko yun ng may nakita akong birth control pills sa kanyang bag. mas lalong ninanais ko na ngayon magsampa ng kaso laban sa akin ina dahil ang aking ama ay wala ng kakayanang maglakad pa at magsampa ng demanda.. sa aming mag kakapatid ako ang nakakatanda at ngayon na nagiisip paano ko makukuha ang pera para sa aking ama imbes na ibinibigay ng aking ina sa kinakasama nya,.. ano po kaya ang pwede ninyo ipayo sa akin bilang isang panganay na anak na gusto makuha ang para sa aking ama tulad ng pention at medical check up. sana po ay inyong matulungan ako, sa aking unang hakbang na gagawin.. maraming salamat po..