Nagtratrabaho ako sa isang kumpanya na ang tagal magbigay ng payslip. Umaabot pa nga ng buwan bago ibigay, pero noong nakaraan, 1 linggo pagkatapos ng sahod nabigay na yung payslip. Ang problema lang, magulo mag-compute ng sahod yung accountant. Gaano ba dapat kabilis o katagal ibigay ang payslip? Gusto ko lang din malaman kung paano ba kuwentahin yung sahod.
Kung ang sahod ko ay 'X', paano ba kunin yung?
Hourly Rate
Overtime Pay
Night Differential
SSS
PhilHealth
PAGIBIG
Tax
Rest Day OT
Holiday Pay
*8 hours/day
**5 days/week
***Monthly Wage ko ay 'X' pero every 15 at 30 siya binibigay
****Single
Gusto ko lang malaman yung sinasabi sa batas. Hindi rin yan nakalagay sa kontrata ko, wala rin kaming Employee's Manual.
Salamat.