May maliit po akong negosyo dati.Sa kagustuhan kong lumago ito nanghiram po ako ng puhunan sa mga kakilala ko.PDC po ang collateral,10% po araw araw ang interest.Nung una po nakayanan ko p magbayad hanggang sa kalaunan nahinto n po dahil hanggang puhunan ko po naubos na.Nagsara na rin po account ko.Hindi po aq nakabayad sa interest hanggang lomobo n po ng husto. Ipinapadlock po ng mga inutangan ko ung puwesto ko at kinuha ang lahat ng laman.Nakiusap po aq na bigyan po aq palugit hanggang makarecover po uli.Idedemanda daw po aq takot n rin po ako umuwi dahil ipapapulis daw po ako.Ang problema ko po pano ako magbayad ngayon nasa kanila na po lahat ng paninda ko.Ano po b ang dapat ko gawin.Sirang sira na rin po ako dun sa amin dahil ipinangangalandakan po nila n estapadora daw po ako.