Magandang araw. Ang kapatid ko po ay may nakagitgitan sa trafic na apat na nakamotor lalaki. Kahit di siya ang may kasalanan, humingi pa rin siya ng pasensya sa mga nakagitgitan nya pero sa halip na magkaayos ay pinagsusuntok po siya at pinagpapalo ng helmet pero di siya gumanti o nakipagaway. Bagkos ay pinagpasensyahan nya ang mga lalaki dahil puro lasing. Hanggang sa ng siya ay sasakay na ulit sa kotse at bigla siyang hinampas ng malakas sa ulo na naging sanhi ng pagdilim ng kanyang paningin at di na siya nakatiis at nabaril niya ang isang sa apat at napatay. Legal at may lisensya naman ang baril. Ayaw ng magsampa ng kaso ang asawa ng biktima. Di na rin nagpakita ang tatlo pang lalaki na kasama ng biktima. Ayaw nilang tumestigo dahil sila ay paalis na papuntang abroad. Kaya walang makuhang saksi ang pamilya ng biktima.Ang gusto ng asawa ay makipagareglo at bayaran na lang sila ng suspek. Magkano po ba ang dapat ibayad bilang areglo sa di sinasadyang pagkakapatay sa biktima. Wala pa pong naisampang kaso sa husgado. Ang biktima ay 35 years old. Di nakapagtapos ng kolehiyo at walang trabaho. wala pa rin silang anak. At anu po ang dapat gawin namin kapag nagbayad kami. Kelangan po ba ng affidavit of dessistance na walang nagyaring krimen. Tulungan nyo po kami. salamat po.
Free Legal Advice Philippines