I'd like to share my friend's problem. Naaawa na kasi ako sa kanya. Hiwalay na sila ng asawa nya mag 10 years na. Wala silang anak. Seaman ang asawa nya. Bago sila naghiwalay, my friend alreadystopped receiving any financial support sa husband nya. Pinutol ng asawa ang pagpapadala ng allotment sa kanya and kalaunan nalaman na lang nya na nagkaroon pala ng kabit asawa nya pero di cya nagkaroon ng concrete evidence para don. Nagfile ng kaso ang kaibigan ko, Violence against women. Ang gusto lang ng kaibigan ko ipaglaban karapatan nya bilang inabandonang asawa. Na dismiss ang kaso.
Just recently, through facebook, may mga pictures pinost ang kanyang asawa together with the kabit. Masyadong nasaktan ang kaibigan ko. Awang-awa na kami sa kanya.
Ano po bang pwedeng i-file na kaso ng kaibigan ko? Ano po bang dapat naming gawin para dito? Sa pictures mismo, hindi maikakaila na meron relasyon yong babae at asawa nya. Ipinagmalaki pa sa buong mundo na sila nga.
Please help us. We really need your help.